Showbiz News

Rafael Rosell says fans fuels him to stay in show business

By Abbygael Hilario

Pinasalamatan ni Rafael Rosell, ang kanyang fans dahil sa patuloy nilang pagsubaybay sa kaniyang karakter bilang “Julian” sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.

“Sobrang thank you sa inyong lahat. Sa patuloy na pagsubaybay at pagmamahal sa aming mga characters," sabi ng aktor nang makapanayam siya ng GMANetwork.com kamakailan.

"More than grateful lang talaga ako na patuloy niyong pinapanood ang Mano Po Legacy: The Flowers Sisters. At kung naaapektuhan kayo sa character ko, reward na rin yun sa sarili ko na gumana yung acting formula na ginamit ko.”

Dagdag pa ni Rafael, “Kung hindi dahil sa mga fans, hindi ako magtatagal sa showbiz. Yung energy, yung fuel, yung pagmamahal na binibigay nila, that's what keeps me going sa industriyang ito kaya from the bottom of my heart, maraming salamat talaga.”

Samantala, isa si Rafael sa Kapuso stars na dumalo sa katatapos lang na Kapuso Brigade Grand Eyeball 2022, na ginanap noong Sabado, November 26 sa URBN, Quezon City.

Hinarana niya ang mahigit kumulang 200 lucky Kapuso fans na talaga namang kinilig sa kaniyang live performance.

Nakisaya rin ang cast ng Luv Is: Caught In His Arms na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Vince Maristela, Sean Lucas at Raheel Bhyria. Present din sa big event sina Jeff Moses, Shanelle Agustin, Sandro Muhlach at Carlo San Juan.

Namigay naman ng regalo ang Kapuso news personalities na sina Mav Gonzales, John Consulta, Ivan Mayrina, Pia Arcanghel kasama ang NCAA reporters.

TINGNAN ANG MGA KAGANAPAN SA KAPUSO BRIGADE GRAND EYEBALL 2022 SA GALLERY NA ITO: