Showbiz News

Kelvin Miranda at Ally Gonzales, ano ang masasabing 'gusto kita' sa isa't isa?

By Aimee Anoc

Kilig ang hatid ng bagong collaboration nina Kelvin Miranda at Ally Gonzales para sa kantang "Gusto Kita" ni Gino Padilla.

Noong October 7, inilabas nina Kelvin at Ally ang sarili nilang duet rendition ng "Gusto Kita" under GMA Music.

Sa naganap na press conference para sa "Gusto Kita," ibinahagi ni Kelvin ang saya at pasasalamat na mabigyan ng pagkakataon na kantahin ang "Gusto Kita," na aniya, ay "talagang nostalgic" sa tuwing naririnig niya ang kantang ito.

Ayon kay Kelvin, binigyan siya ng pagkakataon ng GMA Music na mamili ng kanta para sa collaboration nila ni Ally.

"Si Ally kasi talagang pang Disney s'ya e, 'yung type of music. Tapos ako kasi hindi ako palakanta ng ganu'n. Binigyan nila ako ng chance na mamili ng song and then pinili ko 'yung 'Gusto Kita,'" kwento ni Kelvin.

Sa press interview, ibinahagi rin nina Kelvin at Ally ang masasabi nilang "gusto kita" sa isa't isa.

"Gusto kita kasi you are very [mabait], you're gentleman, very sweet ka, and it's really fun talking [to] you. I am just very happy to be here with you," sabi ni Ally.

Dagdag ni Kelvin, "Gusto kita kasi sobrang sipag mo... Lahat ibinibigay mo para lang matupad mo ang mga pangarap mo."

Una nang nagkasama sina Kelvin at Ally sa music video ng "Ating Kabanata" noong 2021.

Mapapakinggan ang "Gusto Kita" sa Apple Music, Spotify, YouTube, at iba pang digital music streaming platforms.

KILALANIN SI KELVIN MIRANDA SA GALLERY NA ITO: