Showbiz News

Angel Guardian, gustong makatrabaho si Marian Rivera sa isang serye: 'Siguro mala-Marimar'

By Aimee Anoc

"Grateful at thankful" si Angel Guardian sa sunod-sunod na oportunidad na dumarating ngayon sa kanyang showbiz career.

Napapanood ngayon ang aktres sa weekend variety show na Running Man Philippines at sa primetime series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters bilang si Iris.

Katatapos lamang din ni Angel na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom," noong November 22.

Sa interview sa GMANetwork.com, nagpapasalamat ang aktres sa mga natatanggap na oportunidad mula sa Kapuso Network. Aniya, "Sa rami ng opportunities na ibinibigay ng GMA, I'm very grateful to be part of it."

Ibinahagi rin ni Angel ang isa sa Kapuso stars na dream niyang makatrabaho sa isang mala-Marimar na serye.

"Siyempre, the Marian Rivera," sabi ng aktres. "Bata pa lang ako napapanood ko na s'ya. For me isa s'ya sa pinakamagagandang artista talaga, na kahit tumatanda s'ya talagang parang ganu'n pa rin ang beauty n'ya. Ang galing din n'yang artista. Gustong-gusto ko rin talaga s'yang makatrabaho."

TINGNAN ANG HOTTEST PHOTOS NI ANGEL GUARDIAN SA GALLERY NA ITO: