Showbiz News

Buboy Villar on close friendship with Ruru Madrid: 'Para ko na rin 'yang kapatid'

By Aimee Anoc

Kamakailan lamang nang ikuwento ni Ruru Madrid ang pagkakaibigan na mayroon sila ni Buboy Villar, na aniya isa ang aktor sa itinuturing niyang best friends hindi lang sa showbiz kung hindi maging sa tunay na buhay.

Para naman kay Buboy, "parang kapatid" na ang turing niya kay Ruru.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, "Si Ruru para ko na rin 'yang kapatid, hindi dahil sa katrabaho ko lang s'ya kasi, actually, ninong din 'yan, kumpare ko 'yan sa anak ko. Kumbaga si Ruru 'yung nilu-look forward ko rito sa industriya na 'to kasi s'ya 'yung parang palaging nandyan. Kahit taon kaming hindi mag-meet pero kapag nagkita kami parang kakakita lang namin kahapon."

Dagdag ng aktor, "Iyon 'yung parang nakakatuwa kay Ruru, na open ako sa kanya, na hindi ako nahihiya sa kanya. Feeling ko iyon 'yung pakiramdam ko na tunay ko talaga s'yang kaibigan. Kasi s'ya 'yung kalokohan ko palagi. Kapag mayroon akong problema tumatakbo ako sa kanya, kapag mayroon din s'yang problema sa akin din."

Kasalukuyang napapanood sina Ruru at Buboy sa weekend variety show na Running Man Philippines kung saan kasama rin nila sina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Kokoy de Santos.

Sa interview, ibinahagi rin ni Buboy ang sayang nararamdaman sa positibong reaksyon na natatanggap ng Running Man Philippines.

"Actually nu'ng ginagawa pa lang namin 'to sobrang good vibes ako... kasi sobrang saya ng set namin. Sa sobrang saya I'm pretty sure na magre-reflect po talaga sa mga tao and thank God na nangyari po talaga 'yun.

"Well, nag-uumpisa pa lang 'to. Marami pang mga mission na gagawin. Mayroon pa akong inaabangan na kailangan [din] nilang abangan, malapit na 'yun."

Noong November 22, kabilang si Buboy sa mga artistang pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event, ang "Signed For Stardom."

TINGNAN ANG BAGONG KAPUSO STARS SA SIGNED FOR STARDOM DITO: