Showbiz News

Asia's first musical BL series 'Rainbow Prince,' mapapanood sa Heart of Asia Channel ngayong Disyembre

By Jansen Ramos

Simula December 4, mapapanood na sa Heart of Asia Channel ang Asia's first musical Boys' Love series na Rainbow Prince.

Pagbibidahan ito nina Adrian Dionisio at Eurwin Canzana bilang sina Prince Zeyn at Mikey Valencia.

Iikot ang kwento ng Rainbow Prince sa kakaiba at exciting na love story nina Prince Zeyn, ang itinakdang prinsipe ng Zurbania, at Mikey, isang simple at masiyahing tourist guide mula sa Pilipinas.

Sa pagtakas mula sa nangyaring pag-atake sa kanilang palasyo sa Zurbania, mapupunta si Prince Zeyn sa Pilipinas kung saan nagmula ang pinagkakatiwalaan niyang tauhang si Angel, isang OFW. Dito, makikilala niya si Mikey na agad na mapapalapit at mapapamahal sa kanya.

Makakasama rin nina Adrian at Eurwin sa seryeng ito sina Mel Martinez (Angel), Katarina Rumanova (Elena/Rose), Will Devaughn (Mr. Wang), Dovee Park (Madam V), Yani De Dios (Prince Malik), Valerie Bariou (Queen Zara); Apollo Abraham (Zafar); Leilani Kate Yalung (Livy); Ken Carpena (Ken); at Niko Librojo (Kevin).

Abangan ang Rainbow Prince ngayong Linggo, December 4 sa Heart of Asia Channel.

KILALANIN ANG BL ACTORS NA MINSAN NANG NAGPAKILIG SA PINOY VIEWERS DITO: