Showbiz News

'Born To Be Wild' ng GMA, may free anti-rabies vaccination para sa fur babies ngayong December 3

By Jimboy Napoles

Bilang pagdiriwang ng kanilang ika-15 anibersaryo, isasagawa ng Born To Be Wild ng GMA ang 'Stop Rabies, Save Lives' program na layong magbigay ng libreng anti-rabies vaccination para sa 150 na fur babies gaya ng aso o pusa ngayong Sabado, December 3, mula 10:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Robinsons Metro East sa Pasig City.

Ang naturang programa ay pakikiisa ng Born To Be Wild sa adbokasiyang maging "Rabies Free" ang Pilipinas pagdating ng taong 2030.

Ayon sa Born To Be Wild host na si Dr. Nielsen Donato, magandang inisyatibo ang programang ito upang makasabay ang bansa sa malawakang anti-rabies campaign.

Aniya, "Napakaimportante that we continue our anti-rabies campaign kasi nahuhuli na tayo sa ibang mga bansa [dahil ang iba] ay 'Rabies Free' na."

"Ang rabies e, napakahirap gamutin pero napakadaling iwasan," dadag pa na paalala ng isa rin sa Born To Be Wild host na si Dr. Ferds Recio.

Sa mga interesado sa 'Stop Rabies, Save Lives' program ng Born To Be Wild, basahin ang mga sumusunod na paalala:

1. Mag-register https://forms.gle/rvgTungxnyg7GLyV8DITO upang magkaroon ng slot:
2. Matapos mag-register, maghintay lamang ng text o tawag ng staff ng Born to be Wild para makumpirma ang iyong slot.
3. Ang mga nakakuha lang ng tawag o text ang mayroong kumpirmadong slot. Kapag nabigyan ng slot, dumating sa tamang oras sa December 3.
4. 'One companion per pet' lamang ang papayagang pumasok sa loob ng vaccination area.
5. Sa event, susundin pa rin ng Born to be Wild ang health protocols. Panatilihin ang social distancing at magsuot ng mask.
6. Hindi papayagan ang mga walk-in.

Samantala, panoorin ang Born To Be Wild, tuwing Linggo, 9:00 ng umaga sa GMA.

KILALANIN ANG RESIDENT VETERINARIAN NG GMA AT BORN TO BE WILD HOST NA SI DR. FERDS RECIO SA GALLERY NA ITO: