Showbiz News

Put Your Head on My Shoulder: Ang pag-amin ni Wayne |Week 4 recap

By Kristian Eric Javier

Hindi madali ang pinag-dadaanan ni Perry. Nakipagkita siya sa tatay niya habang may kasama itong babae. Dahil hindi magkasundo ang mag-ama, hindi na napigilan ni Perry ang sarili at nasagot niya ang tatay niya na naging dahilan para saktan siya nito.

Dito, nadamay din ang nanay ni Perry at kung papano nito iniwan ang mag-ama. Sinabi rin ng tatay ni Perry na pera lang ang habol ng nanay niya na lalong ikinagalit ni Perry.

Sa dorm, sinubukan gisingin ni Molly ang natutulog na si Wayne. Sabay silang kumain bago nanood ng horror film, nang biglang may kumatok sa pinto. Dito lumabas na naman ang caring side ni Wayne nang nag-volunteer siya na magbukas ng pinto para hindi na matakot si Molly.

Inaya naman ni Wayne si Molly na kumain sa labas kasama ang mama niya. Matinding kaba rin ang naramdaman ni Molly na makipagkita rito.

Samantala, sa dorm, nag-celebrate si Molly ng kaniyang birthday kasama ang mga kaibigan at si Wayne. Naglaro sila ng jengga, kung saan di dapat matumba ang mga bricks na ginawang tore. At dahil natumba ito ni Molly, kinailangan niyang gawin ang dare at nakipag-titigan kay Wayne.

Unti-unti na bang nahuhulog ang loob ni Molly kay Wayne?

Nag-wish din si Molly para sa kaniyang birthday na magkaroon ng world peace, maraming pera at sexy na katawan.

Dahil sa pagod ay nakatulog na si Wayne sa sala nang nakaupo. Pinilit gisingin ni Molly si Wayne pero hindi ito nagigising, kaya ginalaw-galaw niya nag mukha nito. Naalimpungatan si Wayne at nagising ng konti at nang makita si Molly, ay hinalikan niya ito, bago nakatulog muli.

Ang halik ba na ibinigay niya ang birthday gift niya kay Molly?

Nagpunta sina Perry at Shayne sa isang mall para subukan mag-date at dito inamin ni Perry na si Shayne ang kauna-unahang date niya na nagbayad. Habang nasa arcade, aksidenteng natawag ni Perry si Shayne na Momo, ang palayaw ni Molly, pero parang hindi ito pinansin ni Shayne.

Si Wayne naman, humihingi ng tulong sa professor niya at sa kaibigan niya kung ano ang dapat gawin tungkol kay Molly, na nakipagkita kay Perry. Pinayuhan siya ng kaibigan niya, pero hindi ito tinanggap ni Wayne.

Ang professor naman niya ay may ibinigay kay Wayne pagkatapos nila sa lab, na makakatulong daw sa kaniya, pero nang makita niya kung ano ito ay hindi na siya sigurado.

Binigyan siya ng libro ng professor niya kung saan makakakuha siya ng tips kung ano ang dapat gawin para ma-inlove sa kaniya si molly. Sa kasamaang palad, hindi naging effective ang tips na nakuha ni Wayne.

Kahit pumalpak ang mga tips na nakuha niya, sinubukan pa rin ni Wayne aminin ang nararamdaman niya kay Molly. Dinaan ito ni Wayne sa isang tula na ipinabasa niya sa professor at kaibigan niya. Ayon sa kanila, maganda ang gawa ni Wayne at maaaring magustuhan ni Molly ang tula.