Showbiz News

Ronnie Alonte and Loisa Andalio, biktima ng Bukas-Kotse Gang sa Cavite

By Aedrianne Acar

Nabiktima ng Bukas-Kotse Gang ang showbiz couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio sa Bacoor, Cavite, nitong Huwebes, December 1.

Ayon sa ulat ni Glen Juego sa dzBB, naganap ang insidente sa harapan ng isang gusali sa Molino Road, Barangay Molino 3.

Base sa report Bacoor City Police, ipinarada ng celebrity couple ang Jeep Wrangler sa naturang gusali para pumunta sa isang cafe. Sa kanilang pagbalik, nakita nilang basag na ang windshield sa bandang passenger seat.

Ayon naman sa ulat ni Dennis Datu, nakuha ng mga suspek ang dalawang unit ng iPhone 11 at isang unit ng iPhone 13 mula sa sasakyan nina Ronnie at Loisa.

Source: Dennis Datu (TW) and Bacoor City Police

Katulad nina Ronnie at Loisa, ilang celebrities na rin ang naging biktima na rin ng ganitong pangyayari tulad ni Maria Clara at Ibarra star na si Barbie Forteza.

TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA NABIKTMA NG PAGNANAKAAW DITO: