Showbiz News

Tom Rodriguez, naka-move on na nga ba kay Carla Abellana matapos mag-file ng divorce?

By Aedrianne Acar

Binuksan ng versatile TV-movie actor na si Tom Rodriguez ang kaniyang puso sa naging exclusive interview sa kaniya ng vlogger at host na si Ogie Diaz.

Naka-one-on-one ni Ogie si Tom na kasalukuyang nakatira sa Las Vegas, Nevada upang bigyan linaw ang mga nangyari sa kanila ng ex-wife na si Carla Abellana.

Ayon kay Tom, dumating siya sa US noong March 13 at ang trip na ito ay matagal nang naka-schedule.

Paliwanag niya, “Matagal na talaga naka-plano 'yun. 'Yung duration 'yun [ang] nag-iba, kasi 'yun 'yung birthday ng dad ko at saka death anniversary, same month. Kaya plano talaga I was to come here for two weeks--nanganak nang nanganak.”

Bakit naman siya na-extend na tumira sa Amerika?

Diretsahan sagot ng Kapuso star, “Siyempre hindi naman siguro sikreto sa lahat the turbulence [that] has been happening in my life.”

Inusisa rin ni Ogie, si Tom tungkol sa pag-file niya ng divorce kay Carla na kinumpirma niya noong June 2022.

Senyales ba ito na naka-move na siya sa dating asawa?

Lahad ng My Husband's Love star “We're processing na rin naman the recognition sa Philippines to have it recognized ALSO there. So at least para both of us can truly be free.”

Pagpapatuloy niya, “I'm not saying naman moved-on, 'di mo naman masabi na pare-pareho 'yung pinagdadaanan [natin].

“Like I said, for me 'di ko alam 'yung journey ng iba, journey niya mismo. Pero for me, I slowed down muna. So March pa lang mag-isa lang ako tried to go through that process, pero 'di ko naman masabi na mas ahead ka, mas behind ka that's arbitrary 'yung ganun.

“I'm in the process of moving on.”

Life in the U.S.

Ilang buwan nang nasa Amerika si Tom Rodriguez, kaya maraming fans nito ang naku-curious kung ano ang pinagkakaabalahan niya habang naka-break siya sa kaniyang showbiz career.

Kuwento niya kay Ogie, nag-spend muna siya ng time with his family sa Arizona.

“Nung [unang] six months wala [talaga]. Sa Arizona lang ako with my family lang talaga, as in wala, hindi ako lumabas ng bahay.

“The only times na lumabas ako was kasama ko 'yung best friends ko nung Grade 7 pa ako sa Yuma din sila nakatira. So sila lang 'yung kumidnap sa akin kasi wala akong pinalaam, e. Kung nasaan ako, wala akong sinabihan na 'Uy nandito ako sa Amerika ulit'.”

“Kaya nung nalaman nila na nandito ako, sila 'yung parang kumidnap sa akin we went out to the mountains.”

Source: Ogie Diaz (YT)

Dagdag niya, “That's what I didn't realize for 13 years I made my world so big and when nung sumabog na lahat, fall out shrapnel, you realize nandito pala 'yung core mo. There was a lot of veneer in my life, and daming tao na when it came down to it, hindi mo na maramdaman. They just threw you away, maniniwala sa kung ano balita maririnig.

“Kaya it really gave me a sense na ang importante pala ay alamin mo kung ano 'yung nandito muna.”

Naging mahirap din daw para kay Tom na magtrabaho at umamin siya mismo kay Ogie Diaz na matindi ang tama ng depression sa kaniya.

Pagbabalik-tanaw ng aktor, “I tried online jobs mga ganun. Pero at first, I couldn't e, as in, I wasn't in a right state of mind parang dark night of the soul talaga na wala.

“It was really a heavy 'bout with depression and a whole other mess of things. I was feeling resentful at things and I didn't know with what exactly, siguro at the world at some point parang I didn't wanna rejoin society may ganun feeling.”

“I really had to like to figure out na, teka, saan ba nanggagaling ito? Bakit ba ito 'yung nararamdaman ko ngayon?

“Until nahimay ko 'yun and when I felt ready enough that's when I started going out of my own cave dito ako napadpad sa Vegas.”

Taos-puso naman ang pasasalamat ni Tom Rodriguez na may mga nakilala siyang tao sa Las Vegas na tinulungan siya at nag-silbing extended family niya, hanggang nakahanap siya ng trabaho.

Saad niya, “There are a lot of good people that taken me in. Sila Ate Joy…

“Sila 'yung mga very first people who brought me in, made me feel like I had a new extended family. I got to see a new place with like bigger opportunities. Kasi sa Yuma, Arizona wala talaga, I was lucky to meet them and they introduce me to more people.”

CELEBRITIES AND THEIR EXPERIENCE OF GOING THROUGH ANNULMENT OR DIVORCE: