
Sa kauna-unahang pagkakataon, bibida si Herlene Budol sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Magandang Dilag kung saan makakapareha niya dito sina Benjamin Alves, Rob Gomez, at Buboy Villar.
Nakatrabaho na ni Herlene si Buboy sa False Positive ngunit ito ang unang pagkakataon na makakasama niya sina Benjamin at Rob.
"Si Rob Gomez, parang ganito 'yung character niya, nagagawa niya kahit wala pang camera. Lalong-lalo na si Benjamin Alves, ang lupit!" kuwento ni Herlene sa Updated With Nelson Canlas podcast.
"At saka nahihiya ako baka ang baho ng hininga ko kasi parang may mga ganyan, kasi parang first time ko din ho talaga [magkaroon] ng seryosong love team, hindi 'yung parang siraulo na kami lang dalawa ni Buboy."
Kuwento pa ni Herlene, nagkaroon sila ng nose to nose sa workshop ngunit nahihiya pa rin siya.
"Nose to nose kami nung workshop. Nahihiya talaga ako kahit nag-toothbrush ako, nakailang bubble gum ako, nakailang spray ako sa bunganga ko noon, parang hala, nakakahiya."
Dahil sa pagkakataong ito na naibigay sa kanya ay nagpapasalamat si Herlene sa GMA Network, at sa kanyang mga kasamahan sa programa.
"Sobrang ang saya ko, pinagkatiwalaan po nila ako para makasama po yung mga ganung artista na talagang kahit sino sa kanila magpapasampal ako doon e," nakakatuwang pag-amin ni Herlene.
"Sobrang galing nila. Parang backstage inaano na nilang, alam n'yo 'yun, parang in character na sila. Parang dapat pala ganun din ako."
Pakinggan ang ikalawang bahagi ng guesting ni Herlene sa Updated With Nelson Canlas dito:
Abangan ang Magandang Dilag sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG STUNNING PHOTOS NI HERLENE BUDOL BILANG BEAUTY QUEEN SA GALLERY NA ITO: