Showbiz News

Dingdong Dantes to work with Charo Santos on a project

By EJ Chua

Magkasunod na inanunsyo ng multi-awarded Kapuso actor na si Dingdong Dantes at former ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio, na magkakasama silang dalawa sa isang malaking proyekto.

Sa Instagram post ni Dingdong, kapansin-pansin na excited na siya para sa kaniyang upcoming project kasama ang veteran actress na si Charo.

Base sa mga larawang ibinahagi ng Kapuso Primetime King, ang working title ng kanilang pagbibidahang palabas ay 'Love After Love,' at mula ito sa panulat at direksiyon ni Irene Emma Villamor.

Sulat ni Dingdong sa caption, “It's finally happening! After years in the making, this script will be brought to life…sometime next year…”

Bukod kina Dingdong at Charo, excited na rin ang ilang celebrities sa kanilang nalalapit na collaboration.

Kabilang na rito ang asawa ni Dingdong na si Marian Rivera, Start-Up PH star na si Jackie Lou Blanco, iba pang showbiz friends ng aktor tulad nina Carla Abellana, Sherilyn Tan, at marami pang iba.

Bukod sa celebrities, nakaabang na rin ang fans ni Dingdong at ang napakaraming netizens para sa naturang proyekto.

Samantala, patuloy na napapanood si Dingdong Dantes sa top-rating GMA game show na Family Feud.

SILIPIN ANG HANDSOME PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA GALLERY SA IBABA: