
Mga Kapuso, mas magiging merry ang inyong Christmas dahil mapapanood na sa GMA ngayong Disyembre ang isa sa major hit Korean dramas of 2018 --- ang What's Wrong with Secretary Kim.
Ang nasabing series ay pinagbibidahan ng tinaguriang 'Master of Romantic Comedy' at award-winning South Korean actor na si Park Seo-joon kasama ang 2019 Asia Celebrity Award winner at South Korean actress na si Park Min-young.
Iikot ang kuwento ng naturang romantic-comedy series sa ubod ng guwapo at matinik na Vice Chairman ng isang major corporation na si Franco Lee (Park Seo-joon) at sa kanyang reliable at highly-capable na secretary na si Macy Kim (Park Min-young).
Isang araw, magugulo ang mundo ni Franco nang magpaalam si Macy na magre-resign na siya sa kanyang trabaho bilang kanyang secretary matapos ang siyam na taon.
Dahil dito, gagawin ni Franco ang lahat upang mapigilan si Macy. Lingid sa kanyang kaalaman, may mahalagang bagay pala na gustong gawin si Macy kung kaya't nagdesisyon siya na tumigil na sa kanyang trabaho. Ito ay ang hanapin ang taong tumulong sa kanya noon sa isang traumatic experience.
Mapigilan kaya ni Franco si Macy? Mahanap kaya ni Macy ang taong noon ay nagligtas sa kanya?
Abangan ang kuwento nina Franco at Macy sa What's Wrong with Secretary Kim ngayong Disyembre na sa GMA.
TINGNAN ANG CUTEST PHOTOS NI PARK SEO-JOON AT NG KANYANG PET DOG NA SI SIMBA SA GALLERY NA ITO: