GMA Logo The Wolf
Photo source: GMANetwork YouTube channel
What's Hot

The Wolf: Ang nalalapit na pagtutuos | Week 8

By Ron Lim
Published December 5, 2022 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

The Wolf


Sa ika-walong linggo ng 'The Wolf,' kumikilos na si Ma Zhai Xing para sa paghaharap nila ni Prinsipe Chu You Wen.

Sa ika-walong na linggo ng The Wolf, nag-iipon na ng pwersa at kakampi si Ma Zhai Xing upang tapatan ang hukbo ni Prinsipe Chu You Wen.

Bago tuluyang maghiwalay ang landas ni Prinsipe Chu You Wen at Ma Zhai Xing, binigyan ng prinsipe si Ma Zhai Xing ng pana para di umano ay gamitin upang patayin siya pagdating ng panahon. Kahit nais itong itapon ni Ji Chong, desidido si Ma Zhai Xing na gamitin ang panang ito upang patayin ang prinsipe.

Patuloy ang pagsasanay ni Ma Zhai Xing sa pana upang balang araw ay magamit laban kay Prinsipe Chu You Wen. Ipinaalam na rin ni Ji Chong ang kanyang tunay na pagkatao bilang si Prinsipe Li Ju Yao, ang pangalawang prinsipe ng Jin, upang matulungan si Ma Zhai Xing sa kanyang mga balak.

Lumapit si Ma Zhai Xing kay Prinsesa Ping Yu Wan upang humingi ng tulong laban sa mga pwersa ni Prinsipe Chu You Wen. Sa kasamaang palad, ayaw magbigay ng tulong ng prinsesa kahit ano pang pakikiusap ni Ma Zhai Xing.

Kahit nais pamunuan ni Ma Zhai Xing ang hukbo ng kanyang kaharian, hindi pa rin nito maiwasan na makonsumo ng galit sa kanyang puso. Gumawa ng paraan si Ji Chong upang pakalmahin ito at ipakita ang kamalian ng kanyang mga ginagawa.

Sunod na nilapitan ni Ma Zhai Xing si Prinsesa Bao Na upang mas lalong pagtibayin ang kanyang mga hukbo laban kay Prinsipe Chu You Wen. Salamat kay Prinsesa Bao Na, merong oportunidad ang mga pwersa ni Ma Zhai Xing upang makausap ang kapatid ng prinsesa.


Muling nagkaharap si Ma Zhai Xing at Prinsipe Chu You Wen sa harap ng ama ni Prinsesa Bao Na. Ginamit ito ni Ma Zhai Xing upang ipaalam sa hari ang mga kataksilan na ginawa ng pamilya ni Prinsipe Chu You Wen.

Gayunpaman, nagawang baguhin ni Prinsipe Chu You Wen ang takbo ng mga pangyayari pagkatapos nitong ibalik ang liwanag sa kaharian sa pamamagitan ng isang pana. Higit pa riyan, pinahiya pa nito si Ma Zhai Xing sa harap ng hari.

Nagkaroon ng pagkakataon si Ma Zhai Xing na maghigante kay Prinsipe Chu You Wen, ngunit hindi magawa ito ni Ma Zhai Xing. Hindi maiwasan ni Ma Zhai Xing na maging emosyonal lalo na at gumuho ang lahat ng kanyang planong paghihiganti.

Muli na namang nagkaharap si Ma Zhai Xing at si Prinsipe Chu You Wen, at muli na namang ipinamukha ng prinsipe kay Ma Zhai Xing na masyado siyang mahina upang talunin siya. Ngunit sa pagkakataong ito ay nagawa na niyang pakawalan ang palaso mula sa kanyang pana.

Dahil sa tangkang pagpaslang niya kay Prinsipe Chu You Wen, handa na ang prinsipe upang dakpin si Ma Zhai Xing. Ngunit may dalang bagong balita si Ji Chong na maaaring magbago ng kapalaran ni Ma Zhai Xing.

Patuloy na abangan ang Chinese drama na The Wolf sa GMA, mula 11:30 p.m. hanggang 12 a.m.