
Screen test pa lang pero damang-dama na ang chemistry sa pagitan ng real-life couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali na nakatakdang magsama sa upcoming GMA Public Affairs series na The Write One.
Ayon kina Ruru at Bianca, ngayon pa lang nagsisimula pumasok na isip nila na magsasama sila sa iisang proyekto.
Ani Bianca, "Nag-sa-start ng mag-sink in sa amin na we will finally be working with each other.
"Siguro, 'yung preparation is more of being, 'yung preparing myself mentally and emotionally for this."
Dagdag naman ni Ruru, marami pa siyang nadiskurbre sa tungkol kay Bianca.
Aniya, "Nakita ko 'yung ibang side ni Bianca ngayon bilang katrabaho. Ang laki ng difference, e. I know na marami akong matututunan sa kanya bilang isang artista."
"'Yung work ethics ni Bianca, 'yun 'yung gusto kong makita at matutunan kung paano niya ginagawa 'yun."
Strangers-turned-lovers ang istorya ng The Write One kaya naman hindi ito nagkakalayo sa love story nina Ruru at Bianca sa totoong buhay.
Paliwanag ni Ruru, "The first time na naka-eksena ko siya nang ganun kahaba, itong ginawa natin, it was very challenging for me. Pakiramdam ko, nag-taping ako nang isang buong araw."
"Pero, iba, e. Talagang diin na diin, at saka ang galing mo umarte."
Gagampanan ni Ruru ang karakter ni Liam na mabibigyan ng pagkakataon na muling isulat ang kanyang love at life story sa tulong ng isang misteryosong typewriter.
Babaguhin kaya ni Liam ang kuwento ng kanyang buhay upang magkatuluyan sila ni Joyce (Bianca)?
Abangan ang The Write One sa 2023 sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, HABANG INAANTAY ANG THE WRITE ONE, BALIKAN ANG SWEETEST PHOTOS NINA RURU AT BIANCA DITO: