
Sa ikaapat na linggo ng My Shy Boss, inalalayan ni Joaqui si Rory para maihatid siya pauwi dahil lasing ito, ngunit hindi naman inasahan ng una ang ginawa ng huli dahil tinamaan nito ang kaniyang mata.
Bigla namang dumating sa opisina ang ama ni Joaqui at tinuruan ng leksyon ang kaniyang anak matapos nitong mapanood ang nag-viral na video ng huli na nahihirapan magsalita sa harap ng maraming tao.
Nag-alala naman si Rory para sa team members niya at pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kaniyang boss dahil baka mali ang pagkakaintindi ng mga ito kay Joaqui.
Naging tagumpay naman ang first-ever presentation ni Rory para sa Silent Monster, ngunit tila walang may nais na makipagtulungan sa kanila. Bukod dito, nakilala na rin ni Rory ang kapatid ni Joaqui na si Iza.
Samantala, sinabi nina Rory at Joaqui ang ilan sa mga sikreto nila sa isa't isa. Inilahad ni Joaqui ang bagay na pinakapinagsisihan niya habang si Rory naman ay nagkuwento tungkol sa kaniyang namayapang kapatid at ina.
Bilang paghahanda para sa kanilang team dinner, humingi ng tulong si Joaqui sa kaniyang empleyado na ayusan siya sa kaniyang pananamit. Hindi naman maalis ni Joaqui ang tingin niya kay Rory kung kaya't kinuhanan niya ito ng mga litrato gamit ang camera.
Ngayong unti-unti na siyang nakikisalamuha sa kaniyang mga team, makararamdam na rin kaya si Joaqui ng pagmamahal? Subaybayan ang My Shy Boss tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.
Balikan ang mga nakaraang tagpo sa My Shy Boss dito.
My Shy Boss: A drunken kiss in the show | Episode 16
My Shy Boss: Rory gets worried | Episode 17
My Shy Boss: Newbie's first ever presentation | Episode 18
My Shy Boss: Secrets revealed | Episode 19
My Shy Boss: Capturing Rory's beauty | Episode 20