Showbiz News

Put Your Head on My Shoulder: 'Status: In a relationship' | Week 5

By Kristian Eric Javier

Dahil nagkasakit si Wayne, minabuti ng kasamahan niya sa lab at kaibigan na si Lay na dalhan siya ng pagkain kahit pa alam nito na bawal kumain sa lab. Nag-file din ito ng leave para sa kanya para makauwi na ito at maka pahinga.

Si Lorane naman, isa pang kasamahan nila sa lab, ay may sakit din at pinauwi na rin ni Lay pero nag dala muna ito ng mga gamot kay Wayne bago umalis.

Sa dorm, sinamahan ni Lorane si Wayne at pilit pinapainom ng gamot pero ayaw nito, kaya si Molly na ang nag utos dito, na agad naman din sinunod ni Wayne.

Dito rin nalaman ni Lorine kung ano ang naging dahilan ng pag-sasama nila Wayne at Molly sa iisang bahay. Samantala, sinabi ni Wayne na ilagay na lang ni Molly ang juice na binili nito para sa opisina sa freezer. Doon niya nilagay ang isang snowman na ginawa niya para kay Molly pero natunaw pa rin ito.

Napapadalas na rin ang pag-bisita ni Lorane kay Wayne para kumustahin ang lagay nito matapos magkasakit. Dala rin nito ang isang package para kay Wayne, isang microscope, kung saan nakapag bonding ang dalawa.

Dito, nag sisimula nang makaramdam si Molly ng selos sa dalawa.

Sa kabilang banda, inamin na ni Perry ang tunay niyang nararamdaman para kay Shayne. Aminado siya na marami siyang naging pagkakamali pag kasama niya si Shayne at namangha siya sa pinakitang kalakasan nito.

Sinabi rin ni Perry na kahit na nagpanggap siyang hindi niya gusto si Shayne, inamin rin niya na totoong nagugustuhan na niya ito.

Nagkaroon din ng konting bonding sina Wayne at Perry at napag usapan nila ang estado ng kani-kanilang relasyon. Sinabi ni Perry na hindi na nila gusto ni Molly ang isa't isa at na magkarelasyon na sila ni Shayne.

Sa bookstore, nahuli nila Shayne at Perry si Wayne na bumibili ng libro tungkol sa advertising dahil lagi daw itong galit ng walang dahilan at inisip niyang baka dahil sa trabaho. Samantala, si Perry, sinabi niyang masaya ito para kay Wayne dahil nagma-mature na raw ito.

Gusto sanang makasama ni Wayne si Milly pero hindi niya magawa dahil allergic siya sa dala nitong pusa. Tinawagan ni Wayne si Perry para humingi ng advice at sinabi nitong palabasin si Molly galing sa kwarto nito para makasama niya, pero hindi ito pumayag.

Mukhang pusa pa ang magiging karibal ni Wayne sa puso ni Molly!

Nakita ni Wayne ang score niya pagdating kay Molly. At dahil nakita niyang bagsak siya, gusto niyang makabawi at sinubukan niyang magpa-impress para tumaas ang score niya pero wala ni isa sa mga ginawa niya ang naimpress si Molly.

Matapos ang nakakapagod nilang araw, nakatulog na si Molly sa sofa kaya binuhat siya ni Wayne sa kwarto nito. Kaya lang, naipit ang mga kamay niya at hindi ito matanggal sa pagkakadagan ni Molly.

Natanggal din niya ito sa wakas nang umikot si Molly at ang una niyang ginawa ay kumutan ito.

Tinanong ni Molly kung gusto ba siya ni Wayne at kahit nabigla ito nung una, inamin din nito na gusto niya si Molly. Ito na rin ang naging pagkakataon ni Molly na aminin na gusto rin niya si Wayne.

Kilig na kilig na nag babasta si Molly para pumasok habang si Wayne, tulala habang hinuhugasan ang pinagkainan nila.

Sa wakas, umpisa na ng love story nilang dalawa!

Ngayong alam na nila ang nararamdaman ng isa't-isa, inaasahan ni Molly na magiging mas sweet sa kanya si Wayne kaya inis siyang umalis sa bahay ng wala manlang itong ipinakitang kahit konting sweetness.

Sa trabaho, tinatanong niya ang kaopisina niya tungkol sa pagiging cold ng isang lalaki after nito mag confess, pero hindi ito nag bigay ng opinyon hangga't hindi sinasabi ni Molly kung sino.

Sa lab, inamin ni Wayne sa proffessor niya at kay Lay na nakapag-confess na siya sa wakas kay Molly matapos ang maraming failed attempts.

Ano na nga ba ang susunod na mangyayari kina Wayne at Molly? Maging smooth sailing kaya ang relasyon nila, o magkaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan? Abangan yan sa Put Your Head on My Shoulder sa GMA.

KILALANIN DITO SI XING FEI, ANG AKTRES NA GUMANAP BILANG SI MOLLY: