Showbiz News

Kyline Alcantara, nilinaw ang real status nila ni Mavy Legaspi

By Jimboy Napoles

Mula sa pagpapakilig sa kanilang tambalan on screen at pagiging sweet sa isa't isa sa harap at likod ng kamera, may nilinaw ngayon ang Sparkle actress na si Kyline Alcantara tungkol sa tunay na relationship status nila ng ka-love team na si Mavy Legaspi.

Sa "Chika Minute" interview ni senior showbiz correspondent Lhar Santiago kay Kyline para sa 24 Oras, inamin ng aktres na hindi pa official ang relationship status nila ni Mavy.

Aniya, "Sa amin po ni Mavy, wala pa naman pong official relationship."

Gayunman, humingi na rin ng love advice si Kyline sa kanyang mga kaibigan gaya nina Barbie Forteza at Bianca Umali.

"Lagi kong nakakausap about love is si Barbie [Forteza] and si Bianca [Umali], kasi sila talaga 'yung may pinakamahaba nang years of having a relationship," pag-amin pa ni Kyline.

Matatandaan na naging matagumpay ang pagtatambal nina Kyline at Mavy sa GMA Primetime Series na I Left My Heart in Sorsogon na pinagbidahan nina Heart Evangelista, Paolo Contis, at Richard Yap.

Matapos ito, sunod-sunod na rin ang naging proyekto ng dalawa at nag-launch pa ng kanilang sariling online podcast.

Sa susunod na taon, bibida naman ang Sparkle love team sa digital series ng GMA Public Affairs na pinamagatang Zero Kilometers Away na tungkol sa online dating.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA MAVY AT KYLINE SA GALLERY NA ITO: