Showbiz News

Jovit Baldivino, pumanaw na sa edad na 29

By Jimboy Napoles

Pumanaw na ang OPM singer na si Jovit Baldivino ngayong Biyernes, December 9, 2022.

Kamakailan lang ay naiulat na isinugod sa isang ospital sa Batangas City ang 29 taong gulang na singer matapos umanong sumama ang pakiramdam nito.

Ayon sa isang report, kinumpirma ng kapatid ni Jovit na si Gil Baldivino ang pagpanaw ng una ngunit wala pa itong ibinibigay na detalye tungkol sa tunay na dahilan nito.

Sa isang Facebook post naman ngayong Biyernes ng umaga, ibinahagi ng asawa ni Jovit na si Camille Ann Miguel ang larawan nila na magkasama bago mamaalam ang singer.

"Asawa ko [crying emojis]," sulat ni Camille sa kanyang post.

Samantala, base sa kuwento ng pamilya ni Jovit, na ibinahagi ng talent handler na si Jerry Telan, aneurysm ang ikinamatay ng kilalang singer.

"He was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines. Then he was invited by a family friend from Batangas City. Doctor's advice not to sing while recuperating. Knowing 'Bundoy' [Jovit], he gave in to clamor of the crowd. He sang 3 signature songs including Faithfully by Journey. He was gasping for breath on the 3rd song. After an hour while sitting, his face was deformed with flowing salivas. He was then rushed to the nearest ER at Jesus of Nazareth Hospital last December 3, 2022 around 10pm. CTscan showed a blood clot in the brain [sign of aneurysm]. 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose for 5 days. Our dearest Jovit Baldivino joined our Creator 4:00 AM today December 9, 2022."

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kaibigan at taga-suporta ng pumanaw na singer sa kanyang naiwang pamilya.

Huling napanood si Jovit sa telebisyon sa pamamagitan ng GMA game show na Family Feud, kung saan nakasama niya ang mga kanyang kapwa OPM singers, na ipinalabas noong November 28.

Nakilala si Jovit nang tanghaling kampeon sa season 1 ng reality talent show na Pilipinas Got Talent taong 2010.

BALIKAN ANG MGA ALA-ALA NG ILANG CELEBRITIES NA PUMANAW NGAYONG 2022 SA GALLERY NA ITO: