
Hindi maitatangging isa si Kelvin Miranda sa mga in-demand leading men ngayon ng Kapuso Network.
Matapos na mapanood bilang ang "perfect bf" na si Nestor sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: Her Big Boss, nagpapakilig naman ngayon si Kelvin bilang Ralph sa Afternoon series na Unica Hija.
Sa naganap na press conference para sa kaniyang bagong single kasama si Ally Gonzales, ang "Gusto Kita," ibinahagi ng aktor kung ano nga ba ang kaniyang ideal woman?
Sagot niya, "Magpapakatotoo lang po ako, kasi ideal woman para po sa akin hindi talaga s'ya nag-e-exist. Kasi no one's perfect, mapalalaki at mapababae.
"Para sa akin kung parehas kayong magko-comprehend sa relationship doon pa lang darating 'yung idea na siya 'yung gusto mo, siya 'yung para sa 'yo. 'Yung makakaintindihan, makakasama mo. Personality-- maayos kausap."
Ayon kay Kelvin, sa ngayon ay hindi siya nagmamadali na pumasok sa isang relasyon.
Patuloy na subaybayan si Kelvin sa Unica Hija, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
MAS KILALANIN SI KELVIN MIRANDA SA GALLERY NA ITO: