GMA Logo The Wolf
Photo source: GMANetwork YouTube channel
What's Hot

The Wolf: Narito na ang digmaan | Week 9

By Ron Lim
Published December 12, 2022 4:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

The Wolf


Sa ika-siyam na linggo ng 'The Wolf,' walang makakapigil sa nakaambang digmaan.

Sa ika-siyam na linggo ng The Wolf, magbubunga na ang paghahanda niNa Prinsipe Chu You Wen at Ma Zhai Xing para sa digmaan.

Upang mapatigil ang pagdakip ni Prinsipe Chu You Wen kay Ma Zhai Xing, ibinunyag ni Ji Chong ang sikreto ni Prinsesa Ping You Wan na siyang makakaapekto rin sa katayuan ni Ma Zhai Xing. Kahit pa tinangka ng prinsipe na pabulaanan ang sinasabi ni Ji Chong, merong hawak-hawak na gamit si Ma Zhai Xing na maaaring magpatunay sa katotohanan ng mga sinasabi ni Ji Chong.

Sa loob ng kuliling na dala-dala ni Ma Zhai Xing simula noong bata pa siya at si Prinsipe Chu You Wen ang mga bahagi ng pulseras ni Prinsesa Ping You Wan. Kapag nilagay ito sa tubig ay mapapatunayan na siya nga ang anak ng prinsesa, at makapagliligtas sa kanya mula kay Prinsipe Chu You Wen.

Panibagong problema ang kinakaharap ngayon ng emperador pagkatapos bumalik sa kanyang dating pag-uugali si Prinsipe Chu You Wen, at walang epektibong lunas ma maibigay si Yao Ji. Kapag hindi naibalik sa dati ang prinsipe ay mahihirapan ang kaharian na harapin ang paparating na digmaan.

Habang kinakausap ang ama ni Ji Chong para sa paparating na digmaan, nagkuwento ito tungkol sa kabataan ni Ji Chong at kung bakit malayo ang loob nito sa kanya. Dahil dito nagkaroon ng mas malalim na pagkakakilala si Ma Zhai Xing sa prinsipe.

Hinarap na ni Ji Chong ang kanyang ama upang humingi ng tawad at magbalik-loob pagkaraan ng ilang taon na pagkakalayo. Sa kabutihang palad, nagkaayos naman ang mag-ama.

Ngayong nagbalik na sa kanyang katinuan si Prinsipe Chu You Wen, pinaalala ng emperador sa kanya kung bakit kailangan niyang magtagumpay sa nalalapit na digmaan. Handa naman ang prinsipe na ibuwis ang kanyang buhay makamit lamang ang paghihiganti na kanyang inaasam.

Muling nagkaharap si Ma Zhai Xing at Prinsipe Chu You Wen bago magsimula ang digmaan sa pagitan nilang dalawa. Kapwa sinusubukan ng dalawa na ungusan ang isa't isa sa kanilang pag-uusap, ngunit sa dulo ang prinsipe ang siyang unang nakapuntos kay Ma Zhai Xing.

Binigyan pa ng isang pagkakataon ni Prinsipe Chu You Wen si Ma Zhai Xing na sumuko at pigilan ang nakaamba nilang pagtutuos, ngunit buo na ang loob ng prinsesa. Tuluyan nang magsisimula ang digmaan nilang dalawa.

Patuloy na abangan ang Chinese drama na The Wolf sa GMA, mula 11:30 p.m. hanggang 12 a.m.