Showbiz News

Meryll Soriano asks Maricel Soriano: 'Takot ka bang malaos?'

By Maine Aquino

Diretsahang tinanong ni Meryll Soriano ang kanyang tiyahing si Maricel Soriano kung takot ba siyang malaos sa mundo ng showbiz.

Itinanong ito ni Meryll sa kanilang heart-to-heart talk para sa vlog ni Diamond Star sa kanyang YouTube channel.

Agad itong sinagot ni Maricel, "Hindi. Kasi ano e from the start, alam ko na 'yan e. Sinabi na nila."

Paliwanag pa niya, alam niya ang mga posibleng mangyari kapag pumasok ang isang tao sa showbiz industry.

"Sabi nga nila lahat ng bagay may katapusan. Ano ba ang pinaka-ungrateful na business, show business, 'di ba? Kaya dapat laging handa," aniya/

Dugtong pa ng aktres, "Dapat girl scout ka, laging handa kasi hindi pupwedeng hindi ka maging handa dahil hindi mo alam... parang buhay rin 'to na kung ano'ng maaaring mangyari na ayan sumikat ka, e, di maraming-maraming salamat. papaano kung hindi, e, di maraming maraming salamat pa rin ganoon."

PHOTO SOURCE: @planetumeboshi

Inilahad rin ni Maricel na may pagkakataong kinakailangang matutong magbigay daan para sa ibang mga artista.

Ani Maricel, "Kung sumikat ka, tapos na 'yung time mo, bigay mo naman sa iba. Kasi ganoon talaga yun e. Natapos na yung term mo o 'yung time mo, share it naman with others.

Unang nakilala si Maricel bilang isang child star hanggang sa siya ay naging award-winning actress at binansagang Diamond Star.

Panoorin ang kabuuan ng pag-uusap ng magtiyahing sina Maricel at Meryll dito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG CELEBRITIES NA MAGKAKAMAG-ANAK DITO: