GMA Logo Yeon Woo-jin, Yoon Park in My Shy Boss
What's Hot

My Shy Boss: Joaqui discloses Rory's identity to Wendel | Week 5

By Dianne Mariano
Published December 14, 2022 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos touts upgrades, improvements to PH airports
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Yeon Woo-jin, Yoon Park in My Shy Boss


Labis na nagulat si Wendel sa inilahad na sikreto ni Joaqui tungkol kay Rory.

Sa ikalimang linggo ng My Shy Boss, muling nagtagpo sina Wendel at ang dating nag-aalaga sa kanya, na itinuturing niyang ina, sa isang airport. Napag-alaman din ni Wendel na ang babaeng ito ay ang director ng isang orphanage.

Tumawag naman ang soon-to-be mother-in-law ni Wendel dahil sa isang emergency. Ngunit, pagdating niya roon ay nagulat siya nang makitang nagsusukat lamang pala ito ng susuotin para sa kasal nila ni Iza.

Dumating din dito ang ama ni Iza at nagalit kay Wendel dahil sa reklamo ng isang kliyente nito. Matapos ito, nagtungo si Wendel sa Malaysia upang makita ang kanyang itinuturing na ina at nandoon din ang buong team ng Silent Monster.

Samantala, nagkaroon naman ng pagtatalo sa pagitan nina Joaqui at Wendel habang hinahanap nila si Rory sa gubat. Nang matagpuan ni Joaqui si Rory, ipinakita ng huli na nakasabit ang kanyang bag sa puno.

Para makuha ito ni Rory, nagdesisyon si Joaqui na pasanin siya. Nakuha naman ni Rory ang kanyang gamit, ngunit bigla silang nahulog ni Joaqui sa lupa at na-sprain ng huli ang paa niya.

Sa pag-uusap naman nina Joaqui at Wendel, inilahad ng una sa huli na si Rory ay ang nakababatang kapatid ng yumao at dati nilang empleyado na si Jackie. Kahit alam niya ang planong paghihiganti ni Rory, pinili pa rin ni Joaqui na protektahan siya.

Subaybayan ang My Shy Boss tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m., sa GMA.

Balikan ang mga nakaraang tagpo sa My Shy Boss dito.

My Shy Boss: The mother's boring emergency | Episode 21


My Shy Boss: An exceptional love from the shy boss | Episode 22

My Shy Boss: Entertaining the silent monster | Episode 23

My Shy Boss: Rory meets Superman | Episode 24

My Shy Boss: Disclosing Rory's secret | Episode 25