GMA Logo boy abunda
What's Hot

Jessica Soho, Michael V, Dingdong Dantes, other Kapuso stars welcome Boy Abunda to GMA Network

By Jimboy Napoles
Published December 16, 2022 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Traslacion 2026 might exceed 21 hours —Quiapo Church
Sinulog 2026 festivity kicks off
Alexandra Eala wins vs Magda Linette to secure spot in ASB Classic semifinals

Article Inside Page


Showbiz News

boy abunda


Sinalubong ng mainit na pagbati ng Kapuso stars ang nagbabalik-GMA na si Boy Abunda.

Masaya ang maraming Kapuso stars sa pagbabalik ni Boy Abunda sa GMA Network .

Sa media conference na inihanda para sa respetadong showbiz personality nitong Huwebes, December 15, nagbigay ng mensahe ang ilan sa mga bigating GMA artists tulad nina Michael V, Dingdong Dantes, Alden Richards, Dennis Trillo, Barbie Forteza, at Manilyn Reynes.

“My favorite Tito, Tito Boy! Bitoy po, welcome back to GMA! Talagang hindi ko na mahintay na magkaharap,magkausap tayo at makita kong muli ang mahiwaga mong salamin. Welcome back and I'll see you soon,” masayang pagbati ni Michael V.

Nagpaabot din ng mensahe ang Family Feud host na si Dingdong para kay Boy. Aniya, “Welcome back Tito Boy, nakakatuwa po na magkasama na tayo ulit sa iisang tahanan and I'm looking forward to see you hopefully as a guest in your future GMA projects at pwede ring you as a guest here in Family Feud.”

Nagpadala rin ng mensahe kay Boy ang Kapuso actress at Maria Clara at Ibarra lead star na si Barbie. Mensahe niya, “Hi Tito Boy, si Barbie Forteza po ito. Welcome po sa Kapuso network. Grabe, I can't wait to meet you in person soon grabe isa po talaga kayo sa mga iniidolo ko when it comes to hosting. Sana po makita ko po kayo in person and welcome again sa Kapuso network.”

Nagbigay din ng welcome message ang GMA Public Affairs personalities na sina award-winning journalist Jessica Soho, at Vicky Morales.

“Magkasama na tayo sa iisang network. Alam mo naman we are always good friends kahit 'di tayo nagkikita and we go a long long way back siguro mga 30 years na marami ka pang buhok 'non at mga bata pa tayo non pero shhh na lang para hindi tayo mahalata. Welcome back, I wish you all the good luck in the world. Good luck sa mga programang hahawakan mo at sa mga makakasama mo,” nakatutuwang mensahe ng GMA News pillar na si Jessica.

Sa contract signing event, ipinaabot naman ni Boy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa GMA sa naging mainit na pagsalubong sa kanya bilang nagbabalik-Kapuso.

"Mula ho sa aking puso, maraming salamat po sa inyong tiwala. Sa aking kakayahan bilang isang presenter, bilang isang talk show host, bilang isang interviewer. Maraming salamat po sa iyong paniniwala po sa aking pagkatao. Maraming salamat po sa makapusong pagtanggap n'yo dito sa akin dito sa GMA-7. I am grateful,” ani Boy.

Ngayon na muli na siyang mapapanood sa GMA, marami na rin ang nag-aabang sa mga gagawing proyekto ng tinaguriang Philippine King of Talk na si Boy.

SILIPIN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA CONTRACT SIGNING NI BOY ABUNDA SA GMA NETWORK SA GALLERY NA ITO: