advertisement
Showbiz News

IN PHOTOS: Mga lalaki sa buhay ni KC Concepcion

1 of 13

Pierre-Emmanuel Plassart

Habang nagbabakasyon si KC sa US, ipinakilala niya ang kanyang French boyfriend na si Pierre-Emmanuel Plassart. Ayon sa ilang reports ay una silang nagkakilala noong 2011 sa gala dinner para kay former U.S. President Bill Clinton.

2 of 13

Paris

Para sa birthday ni Pierre, lumipad si KC papuntang Paris para magkasama silang mag-celebrate. Ayon sa kanyang birthday greeting, "HAPPY BIRTHDAY to the truest gentleman I know. He taught me how to be a lady & allow a man to pour the bottles of water or wine, he eats AFTER I take my first bite, he still kindly opens doors, speaks gently, argues fair, is wildly affectionate & respects all that I am. Chivalry is NOT dead!"

3 of 13

Gabby Concepcion

Si KC Concepcion ay ang anak ng isa sa mga sikat na celebrity couples noon na sina Sharon Cuneta at GabbyConcepcion. Nagkahiwalay man ang kanyang mga magulang ay nananatiling malapit si KC sa kanyang Papa.

advertisement
4 of 13

Senator Kiko Pangilinan

Malapit rin si KC sa kanyang stepdad na si Senator Kiko Pangilinan. Ayon sa kanyang post nitong nakaraang Father's Day, "An authoritarian who was once SUPER STRICT has now become a warm dad & close friend. Thank you for giving me confidence. And making me feel that I am enough."

5 of 13

Miguel

Si Miguel ay ang adopted son ni Sharon at bunsong kapatid ni KC.

6 of 13

Piolo Pascual

Napabalitang naging magkarelasyon sina KC Concepcion at Piolo Pascual noong 2010. Makalipas ang isang taon ng "first showbiz relationship" ni KC ay nagkaroon siya ng emosyonal na interview tungkol sa kanilang paghihiwalay. Taong2015 nang napabalitang nagkausap na ulit ang dalawa.

advertisement
7 of 13

Paulo Avelino

Taong 2014 nang kumalat ang usap-usapan na nililigawan ni Paulo Avelino si KC. Sa isang 2015 interview, napaamin si Paulo na naging sila ng aktres ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan.

8 of 13

Aly Borromeo

Maraming kinilig sa relasyon ni KC at Aly Borromeo na nagsimula ng taong 2016. Noong March 2018 napabalitang naghiwalay na si KC at ang Azkals team captain. Ayon sa post ni KC, "We really both are very independent and I think that we will always have that connection where he knows I am there for him and I also know that he's always going to be there for me."

9 of 13

Richard Gutierrez

Naging kaabang-abang ang naging unang pagtatambal nina KC at Richard Gutierrez dahil kilala ang dalawa na mula sa prominenteng showbiz families. Nagkaroon ng dalawang magkasunod na pelikula sina KC at Richard noong 2008 at 2009.

advertisement
10 of 13

Sam Milby

Isa si Sam Milby sa mga naging malapit na kaibigan ni KC at isa sa kanyang mga naging leading men.

11 of 13

Mark Nicdao

Kilala naman ang sikat na photographer na si Mark Nicdao bilang isa sa mga malalapit na kaibigan ni KC sa industriya.

12 of 13

Suitor

May bagong nagpapakilig umano kay KC ngayon. Ayon sa kanyang post ay may nagpadala ng bulaklak sa kanyang hotel room at sinabi niya ito ay dumating sa tamang panahon. Ani ni KC, "Coming home to this surprise delivery (sent to my hotel room) just made me meditate on this Bible verse, which talks about how THERE IS A TIME FOR EVERYTHING."

advertisement
13 of 13

Ugo de Charette

Napapabalitang muling nagkakamabutihan sina KC at ang kanyang rumored French ex-boyfriend Ugo de Charette. Ayon sa ilang mga reports ito ay ang lalaking kasama ni KC sa kanilang bakasyon sa El Nido, Palawan.