Showbiz News

Put Your Head on My Shoulder: Kilig overload at date | Week 6

By Kristian Eric Javier

Ngayong nagkaaminan na ng feelings sina Molly at Wayne sa Put Your Head on My Shoulder, gustong mahawakan ng huli ang mga kamay ng una at sinubukan niya ito ng ilang ulit habang nanonood ng horror movie.

Pero kahit ilang beses nabigo, sa wakas, magkaholding hands na sila!

Lumabas naman ang pagiging sweet pero conservative ni Wayne ng mag date sila ni Molly si mall. Sinubukan ni Molly magsukat ng mga damit pero masyadong revealing ang mga pinili nito para kay Wayne.

At siyempre, hindi kumpleto ang date nila kung wala silang remembrance kaya nagpa-print si Wayne ng picture nila noong nagpunta sila sa beach.

Sa dorm, uminom si Wayne ng alak at dahil ginulat siya ni Molly ay natapon niya iyon, na naging dahilan para madulas ang dalaga. Buti na lang at mabilis ang reflex ni Wayne at nasalo niya si Molly, 'tsaka niya ito hinalikan.

Samantala, muntik naman ma-late si Shane sa exam niya dahil sa traffic. Buti na lang at nandyan si Perry to the rescue at inihatid siya nito sa kanyang motor.

Kilig overload naman si Molly kay Wayne ng ihatid siya nito sa trabaho. Habang naghihintay ng bus, nag holding hands ulit ang dalawa.

Hindi naman maitago ni Molly ang ngiti niya hanggang sa trabaho. Dito, nalaman niyang pwedeng mag-leave ang mga trainee para sa winter holiday na lalong ikinatuwa ng dalaga.

Sinundo rin ni Wayne si Molly sa trabaho at hindi niya nabigilang magselos nang makitang may kasabay na lalaki si Molly pag labas ng opisina.

Kahit nagseselos, biniro-biro lang siya ni Molly kaya para tumigil ay hinalikan siya ni Wayne sa pisngi.

Sinubukan naman ni Wayne ipakita ang romantic side niya kay Molly, pero kahit mukhang hindi ito gumana. Gayunman, nakatanggap naman siya ng masarap na yakap at nasabihan pang romantic habang si Wayne, inamin naman kung papaano niya na-miss si Molly.

Tunghayan ang patuloy na paglago ng relasyon nila Molly at Wayne sa Put Your Head on My Shoulder sa GMA.