GMA Logo Boy Abunda
What's Hot

Pagbabalik ni Boy Abunda sa GMA Network, pinag-usapan online

By Jimboy Napoles
Published December 16, 2022 3:28 PM PHT
Updated December 16, 2022 8:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

All-out search for missing workers in landslide at Cebu landfill
Nazareno devotees told: Set aside own interests, uplift the country
LRT-2 to allow barefoot devotees during Traslacion 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda


Usap-usapan online ang pagbabalik sa GMA ni Boy Abunda. Tingnan ang ilang komento ng netizens DITO:

Hindi lamang Kapuso stars ang masaya sa pagbabalik sa GMA ng isa sa mga respetadong TV personality sa bansa na si Boy Abunda. Maging ang mga Kapuso online, masaya rin sa naging career move ng kanilang idolo.

Sa katunayan, pinag-usapan online ang pagpirma ng kontrata ni Boy sa GMA Network nitong Huwebes, December 15.

Bukod sa iba pang balita, naging topic din ng netizens ang homecoming ni Boy sa GMA. Sa comments section ng news articles sa Facebook page ng GMA Network, inulan ng maraming positibong komento ang pagbabalik-Kapuso ni Boy.

“Welcome home to our Kapuso Network Tito Boy Abunda,” pagbati ng isang netizen.

“Wow, I can't wait to see you on the GMA talk show. Good luck Mr. Boy Abunda,” mensahe naman ng isang fan.

“Welcome back to your home King of Talk! Mr. Boy Abunda,”dagdag pa ng isang fan.

Ang isang netizen, nakaabang na raw sa fast talk questions ni Boy.

“Inaabangan ko 'yung pa 'Lights On Lights Off' at 'S*x or Chocolate?' ni Tito Boy [laughing emoji],” ani nito.

Sa Instagram post naman tampok ang contract signing ni Boy sa GMA, marami ring netizens ang nagbigay ng suporta sa kanya.

“Happy to see him back again, Merry Christmas the King of Talk. Welcome to GMA-7.Welcome to Kapuso,” mensahe ng isang fan.

“WOW, welcome back Tito Boy we miss you in TV screen,” komento ng isang netizen.

“Congratulations Tito Boy! Finally mapapanood ka na ulit sa GMA,” dagdag pa ng isang fan.

Sa naturang contract signing event, ipinaabot naman ni Boy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa GMA sa naging mainit na pagsalubong sa kanya bilang nagbabalik-Kapuso.

"Mula ho sa aking puso, maraming salamat po sa inyong tiwala. Sa aking kakayahan bilang isang presenter, bilang isang talk show host, bilang isang interviewer. Maraming salamat po sa iyong paniniwala po sa aking pagkatao. Maraming salamat po sa makapusong pagtanggap n'yo dito sa akin dito sa GMA-7. I am grateful,” ani Boy.

Ngayon na muli na siyang mapapanood sa GMA, marami na ang nag-aabang sa kanyang mga gagawing bagong proyekto.

BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA CONTRACT SIGNING NI BOY ABUNDA SA GMA NETWORK SA GALLERY NA ITO: