Showbiz News

Sphencer Reyes, sinorpresa ng dating love team na si Ice Seguerra

By Jansen Ramos

Sulit ang pag-uwi ni Sphencer Reyes ng Pilipinas mula Scotland ngayong Pasko matapos ang pitong malayo sa kanyang mga mahal sa buhay.

Bukod sa nakapiling niya ang kanyang pamilya, nakasama rin niyang muli ang kanyang love team noong '90s na si Ice (Aiza) Seguerra para sa online series ng GMA Public Affairs at YouTube na Pinoy Christmas In Our Hearts.

Sabi ni Sphencer, "Parang bumalik sa 'kin 'yung 90s na ito taping, camera, lights.

"Ang ano ko no'n sa Eat Bulaga, si Aiza. Love team kami no'n, lagi akong sinisiko no'n."

Hindi naman naiwasang maluha ni Sphencer nang sorpresahin siya ni Ice ng kanyang presensya.

Sabi ng Streetboys dancer sa dati niyang onscreen partner, "Nakita ko 'yung family ko, nakita kita, parang bumalik lahat no'ng nangyari noong '90s kasi ginive-up ko lahat."

Masaya naman si Ice sa kanilang reunion ni Sphencer na 2008 nang nag-migrate sa UK at kalaunan naging bus driver sa Scotland.

Panoorin ang buong episode na ito ng Pinoy Christmas In Our Hearts sa video sa itaas.

Marami na rin ang mga artistang mas piniling iwan ang kanilang buhay showbiz sa Pilipinas at magbagong buhay abroad.

HETO ANG ILANG PINOY CELEBRITIES AND PERSONALITIES NA NAKAHANAP NA PANIBAGONG SIMULA SA IBANG BANSA: