GMA Logo boy abunda
What's Hot

Boy Abunda, hindi takot magsimulang muli sa kanyang career

By Jimboy Napoles
Published December 19, 2022 1:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DHSUD to beef up engagement with HOAs to help address woes
Illegal firecrackers seized in MisOr and SOCCSKSARGEN destroyed
Masungi Georeserve extends Celestial Nights until February

Article Inside Page


Showbiz News

boy abunda


Boy Abunda sa kanyang bagong career move: "I'm not afraid to start again."

Naging usap-usapan online nitong nakaraang linggo ang pagbabalik sa GMA Network ng tinaguriang Philippine King of Talk na si Boy Abunda.

Matapos ang mahigit dalawang dekada, muling mapapanood si Boy sa nasabing media giant.

Sa media conference ng homecoming ng batikang TV personality kamakailan, diretsahang sinagot ni Boy ang tanong ng isang press kung nasaan na siya ngayon sa kanyang showbiz career.

"Hindi ko alam," sagot ni Boy.

Dagdag pa niya, "That are the words na kinakapitan ko."

Paliwanag naman ng premyadong TV host, hindi siya takot na magsimulang muli sa kanyang karera mula sa kung nasaan man siya ngayon.

Aniya, "Right now, I'm searching. I'm finding my place again at hindi ako natatakot doon, familiar territory ito sa akin. I came from nowhere.

"I'm not afraid to start again. I'm not afraid to go into this chaotic world of social media. Hindi ako takot lalo na ngayon na ang dami-dami kong kaibigan."

Patuloy niya, "Nasaan ako ngayon sa industriya? Diretsahan tayo doon. It also occurs in your mind once in a while, laos na ba ako? May relevance pa ba ako? Ganon.I constantly ask myself that."

Sa kanyang sagot, ibinahagi rin ni Boy ang ilan sa mga natutunan niya upang manatili sa show business.

"Relevance is important in this business. Premium is important in this business and we have to constantly work on it. Pero as long as you know your worth, for as long as you take good care of that work, and for as long as you are realistic in your assessment of that worth and for as long as you do not allow anyone to diminish your worth, you're still in the game," ani Boy.

Sa kanyang naging contract signing, ipinaabot naman ni Boy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa GMA sa naging mainit na pagsalubong sa kanya bilang nagbabalik-Kapuso.

Aniya, "Mula ho sa aking puso, maraming salamat po sa inyong tiwala. Sa aking kakayahan bilang isang presenter, bilang isang talk show host, bilang isang interviewer. Maraming salamat po sa iyong paniniwala po sa aking pagkatao. Maraming salamat po sa makapusong pagtanggap n'yo dito sa akin dito sa GMA-7. I am grateful."

Ngayon na muli na siyang mapapanood sa GMA, marami na ang nag-aabang sa kanyang mga gagawing bagong proyekto.

BALIKAN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA MEDIA CONFERENCE NI BOY ABUNDA TUNGKOL SA KANYANG HOMECOMING SA GMA NETWORK SA GALLERY NA ITO: