
Isa si Start-UP PH actor Alden Richards sa dream na makatrabaho ng newbie Kapuso actor na si Dustin Yu.
Kasalukuyang napapanood si Dustin bilang Kenneth sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters. Noong 2021, nakasama na rin ang aktor sa first installment ng Mano Po Legacy series, ang "The Family Fortune."
Sa interview ng GMANetwork.com, sinabi ni Dustin na bata pa lamang ay pangarap na niyang maging isang aktor. Ilan sa mga hinahangaang niyang Kapuso stars ay sina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Primetime King Dingdong Dantes.
Ayon kay Dustin, noon pa man ay dream na niyang makatrabaho si Alden. Aniya, "Nakikita ko s'ya as a kuya o siguro younger brother n'ya ako [sa series]. Si Alden kasi ever since magaling na s'yang umarte."
Noong Nobyembre, kabilang si Dustin sa bagong Kapuso stars na pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa naganap na contract signing event nito, ang "Signed For Stardom."
"I feel so happy and lucky to be part of this because that's always been my dream to be an actor sa GMA. Since bata pa ako, iyon na 'yung pinapanood ko. So unexpected things really come in life," pagbabahagi niya.
MAS KILALANIN SI DUSTIN YU SA GALLERY NA ITO: