GMA Logo Winwyn Marquez
What's Hot

Mabuting ninang na inabuso ng kumare, sinorpresa ng negosyo packages ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published December 27, 2022 7:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Winwyn Marquez


Ngayong Pasko, isang sorpresa ang inihanda ng 'Wish Ko Lang' para sa butihing ninang na si Betty.

Patuloy ang pamimigay ng regalo ngayong Kapaskuhan ng wish-granting program na Wish Ko Lang.

Isang butihing ninang ang nabigyan ng sorpresa ng programa noong Sabado, December 24, sa "Wish Ko Lang: Ninang." Tampok sa episode na ito ang kuwento ni Betty (Winwyn Marquez), isang ninang na inaway ng demanding niyang kumare matapos na hindi maibigay ang hinihiling nitong laptop para sa kanyang inaanak.

"Sa lahat ng naitulong ko, ganoon lang ang gagawin sa akin. Hindi na maibabalik 'yung friendship namin, kahit 'yung pagiging kumare namin. Parang nagsaulian na kami ng kandilang dalawa," pagbabahagi ni Betty sa Wish Ko Lang.

Pero ano nga ba ang responsibilidad ng isang ninang sa kanyang inaanak? Ayon kay Prof. Jimmuel Naval, isang anthropologist, "Kapag sinabing ninang, ito ay pangalawang magulang.

"Hindi naman talaga responsibilidad niya na arugain, alagaan, pakainin, bigyan ng pera o damitan ang kanyang inaanak. At kapag nawala 'yung magulang, siya na ang unang magulang. Kapag gusto niya, boluntaryong magbibigay siya kahit hindi Pasko, hindi birthday. Pero hindi dapat ito abusuhin."

Sa ngayon, nawalan ng trabaho si Betty dahil sa pandemya at hindi naman sapat ang kinikita ng kanyang asawa para buhayin ang kanilang anak. Kaya naman isang sorpresa ang inihanda ng Wish Ko Lang para mas maging masaya ang kanilang Pasko.

Kasama sa negosyo packages na nagkakahalaga ng PhP55,000 ang food cart merienda business, leche flan business, french fries business, at yema spread merienda business.

Sinagot na rin ng programa ang Noche Buena package ng pamilya ni Betty. Hindi rin mawawala ang tulong na pinansyal ng Wish Ko Lang.

Bukod kay Betty, namigay rin ng pamasko ang Wish Ko Lang sa iba pang mga kababayan sa tulong ng Sparkle actor na si Anjay Anson.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI WINWYN MARQUEZ SA GALLERY NA ITO: