
Tampok sa "Wish Ko Lang: Asido" ngayong Sabado, December 31, ang kuwento ng legal wife na si Merci na sinabuyan ng asido ng pangalawang babae ng kanyang mister.
Gagampanan ni Andrea del Rosario ang kwento ng buhay ni Merci. Makakasama rin niya sa episode na ito sina Jackie Rice bilang Josie at Rodjun Cruz bilang Dexter.
Hindi inaasahan ni Merci na makakapagpakasal pa siya at magkakaanak, lalo na at halos tumanda na siyang dalaga. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Dexter, gwapo, responsable pero may pagkababaero.
Hindi alam ni Merci na mayroon palang ibang babae ang kanyang mister, si Josie. Sa kagustuhang tuluyang makuha si Dexter, sinabuyan ni Josie ng asido si Merci!
"Hirap na hirap na ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang hindi ko matanggap 'yung nangyari sa akin," kuwento ni Merci sa Wish Ko Lang.
Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Asido" ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG MOST VIEWED EPISODES NG WISH KO LANG DITO: