GMA Logo David Licauco
Source: davidlicauco (Instagram)
What's Hot

David Licauco teases new character in a movie in 2023

By Jimboy Napoles
Published December 29, 2022 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

David Licauco


Muling mapapanood sa big screen ang Kapuso actor na si David Licauco sa 2023.

Hindi pa man natatapos ang kuwento ng pinag-uusapang GMA Primetime series na Maria Clara at Ibarra, may bagong proyekto na agad na dapat abangan para sa Kapuso actor na si David Licauco na gumaganap ngayon sa nasabing serye bilang si Fidel.

Sa 2023, mapapanood naman si David sa kanyang bagong karakter sa pelikulang pinamagatang Without You bilang si Axel. Sa Twitter, ipinasilip ni David ang poster ng naturang pelikula.

Ayon sa poster, ang naturang pelikula ay mula sa OctoArts Films at idinerehe ni RC Delos Reyes na mapapanood sa February 15, 2023.

“In cinemas, Feb 15,” simpleng caption ni David.

Sa kanyang post, marami naman sa fans ni David ang nagpaabot ng suporta sa kanya.

“Will surely watch this!...I am very certain that you will 101% nail it! Congratulations, @davidlicauco, “komento ng isang netizen.

“See you on the big screen again, @davidlicauco ily proud of you always,” mensahe pa ng isang fan.

“Congratulations, David. Thank you for this Valentine's gift!” dagdag pa ng isang fan.

Samantala, sa panayam ng GMANetwork.com kay David kamakailan, ibinahagi ng aktor na marami pang dapat abangan sa tambalan nila ni Barbie Forteza na gumaganap bilang si Klay sa Maria Clara at Ibarra.

Kamakailan lang din ng ipalabas ang episode ng unexpected kiss ng “FiLay” na talagang nagpakilig sa marami nilang fans.

Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CHINITO HEARTTHROB NA SI DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: