
Sa loob ng 12 taon, always present ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa New Countdown ng GMA Network.
Tila hindi binabali ni Alden ang nakasanayan niyang tradisyon dahil kasama siya sa 'Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon,' na gaganapin sa darating na Sabado, December 31, 2022.
Ilan sa Kapuso stars na makakasama ng aktor sa pagpasok ng 2023 ay ang Maria Clara at Ibarra stars na sina Julie Anne San Jose at Barbie Forteza.
Bukod kina Julie at Barbie, makakasama rin ni Alden sa countdown event sina Rayver Cruz, Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Dasuri Choi, Derrick Monasterio, Sanya Lopez, at ang cast ng Luv is: Caught in His Arms.
Mapapanood din sa Kapuso Countdown to 2023 Gayo Daejeon ang mga sikat na Korean band: ang NCT 127, NCT DREAM, ITZY, TOMORROW X TOGETHER, CRAVITY, aespa, ENHYPEN, TEMPEST, NewJeans, at marami pang iba.
Sa "Chika Minute" report na ipinalabas kahapon sa 24 Oras, ibinahagi ni Alden na excited na siya para sa upcoming Kapuso event.
Ayon sa former Start-Up PH actor, “Wala akong palya sa New Year Countdown ng GMA since I started here. Nakakatuwa na since balik na tayo sa normal 'yung on ground events natin it's another opportunity to celebrate life as well, kasi 2023 na.”
Dagdag pa niya, “Ito lang 'yung showcase of talents and kung ano na 'yung nangyaring evolution over time sa Pinoy entertainment. So, we are very excited to be performing with a lot of new artists. Siyempre, nandito pa rin kami 'yung mga old school Kapuso, pero ang daming na-hone, ang daming na-develop, and ang dami nating na-discover na performers na nakakapagbigay ng bagong flavor."
Magsisimula ang event ng 10:30 p.m. at maaari itong mapanood sa GMA-7 at sa official YouTube channel ng GMA Network.
Samantala, panoorin ang naging pahayag ni Alden tungkol sa 'Kapuso to 2023 Gayo Daejeon' sa report na ito:
SILIPIN ANG HOTTEST PHOTOS NI ALDEN RICHARDS SA GALLERY SA IBABA: