GMA Logo Queen Seondeok Lee Yo won
What's Hot

Classic historical Korean series na 'Queen Seondeok,' mapapanood na sa Lunes

By EJ Chua
Published December 31, 2022 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Queen Seondeok Lee Yo won


Abangan ang pagbabalik ng award-winning Korean series na 'Queen Seondeok' sa GMA!

Sa darating na Lunes, January 2, 2023, isang Korean series ang magbabalik sa Kapuso Network!

Ito ang South Korean historical drama series na Queen Seondeok, ang award-winning series na ipinalabas noong 2010 sa GMA-7.

Iikot ang kuwento nito sa buhay ni Princess Deokman, isa sa kambal na anak nina King Jinpyeong at Queen Maya.

Dahil sa isang propesiya, kinailangang mailayo si Deokman sa kanilang kaharian.

Isang katiwala ang mag-aalaga sa kaniya at sa pagkawala ng kanyang kakambal na si Prinsesa Cheonmyeong, gagawin ni Deokman ang lahat para mabawi ang kaharian nakatakda para sa kaniya.

Anu-ano kaya ang kaniyang pagdadaanan bago siya maging isang ganap na reyna?

Sinu-sino kaya ang kaniyang mga kakampi at magiging kalaban?

Ang naturang serye ay pagbibidahan ng Korean actress na si na si Lee Yo-won, gaganap bilang si Prinsesa Deokman na kalaunan ay tatawaging si Queen Seondeok.

Bukod kay Lee Yo-won, mapapanood din sa programa sina Go Hyun-jung na makikilala bilang si Lady Mishil, Uhm Tae-woong na gaganap bilang si Kim Yushin, Park Ye-jin na mapapanood bilang kakambal ni Deokman na si Prinsesa Cheonmyeong, at Kim Nam-gil na si Bidam.

Muli nating pasukin ang mundo ni Prinsesa Deokman!

Huwag palampasin ang pagbabalik ng isa sa pinakamamahal na Koreanovelas sa Asya, magsisimula na sa Lunes, January 2, 11:30 p.m. sa GMA.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG KOREAN DRAMAS NA SINUBAYBAYAN NG MGA PINOY SA GALLERY SA IBABA: