TV

Carla Abellana at Gabby Concepcion, excited sa kanilang muling pagtatambal sa 'Stolen Life'

By Maine Aquino

Siguradong aabangan ang muling pagtatambal nina Carla Abellana at Gabby Concepcion sa isang drama series ng GMA Network.

Sina Carla at Gabby ay mapapanood soon sa GMA Afternoon Prime series na Stolen Life. Makakasama rin nilang bibida rito si Beauty Gonzalez.

PHOTO SOURCE: GMA News

Sa interview ni Lhar Santiago, inilahad nina Carla at Gabby ang kanilang excitement sa bagong proyekto na ito sa GMA Network. Ang Stolen Life ay tungkol sa isang babaeng "mananakawan" ng buhay dahil sa astral projection.

Saad ni Carla sa interview, "It's a privilege to be working again with Kuya Gabby."

Nagkatrabaho sina Carla at Gabby noong 2015 sa programang Because Of You bilang sina Andrea at Jaime.

Pag-amin naman ni Gabby, ikinagulat niya na muli silang magtatambal ni Carla sa telebisyon.

"Nagulat ako na kami ulit ni Carla. I'm really happy because nag-enjoy kami sa Because Of You."

Makakasama nina Carla, Gabby, at Beauty sa Stolen Life ang mahuhusay na mga aktor at aktres na sina Celia Rodriguez, Divine Aucina, Anjo Damiles, Lovely Rivero, at William Lorenzo.

Ang Stolen Life ay sa ilalim ng direksyon ni Jerry Sineneng at mapapanood sa GMA Afternoon Prime simula July 3.

SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING SELFIES NI CARLA ABELLANA SA GALLERY NA ITO: