
Perfect ang 2023 para sa career goals ng Sparkle leading man na si Miguel Tanfelix na bumalik sa pag-aaral.
And this time, gusto niya i-pursue ang love niya for film and directing.
Ito ang sinabi ni Miguel sa panayam niya sa 24 Oras, tungkol sa goals niya sa Bagong Taon.
Lahad ng Voltes V: Legacy actor, “This year gusto ko i-pursue 'yung studies ko sa pagiging direktor. So, kung may workshops, may short courses, kung meron course. Pupuntahan ko.”
Samantala trailer pa lang ng live-action adaptation, umani na ng milyon-milyon views online. Pansin kasi ng fans, kita agad ng chemistry nang mga bida nito na sina Miguel, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho.
Ayon sa Kapuso actor, hindi lang kaibigan ang turing niya sa co-star, kundi pamilya na sa talaga.
“Kahit off cam din, kahit wala kami sa AOS, kunwari ako kailangan ko [o] papatulong ako kay Matt [Lozano] na mag-record ng kanta. Andiyan siya, pupunta ako sa bahay niya magre-record kami,” ani Miguel.
Dagdag niya, “Minsan 'pag galing Tagaytay sila Matt o kaya sila Ysabel [Ortega], sila Radson [Flores] dadaan sila sa Cavite. Sa bahay namin, para kunwari mag-merienda.”
“So 'yung na-build naming relationship ay hindi lang kami working friends.”
Daig Kayo Ng Lola Ko: The Chinese Lion
Pero bago ang highly-anticipated na project na Voltes V: Legacy, mapapanood muna sa three-part episode na "The Chinese Lion" sa Daig Kayo Ng Lola Ko si Miguel Tanfelix.
Ito ang handog ng award-winning weekly magical anthology para sa Chinese New Year para sa loyal viewers ng programa.
Kuwento ni Miguel, “'Yung isang character dito, gusto niya perfect lahat and ang moral story ng kuwento namin ay hindi mo kailangan maging perfect all the time. Kailangan mo rin, magkamali, dahil doon ka matuto, from your mistakes.”
Ilan sa ang mga artista na makakasama ni Miguel sa "The Chinese Lion" story ay sina Faye Lorenzo, Marco Masa, Melissa Mendez, Frances Lee at Lime Aranya.
Kabilang din sa cast ang actor-businessman na si Niño Muhlach na gaganap bilang Kuya Kim.
Kuwento ni Niño tungkol sa kaniyang role, “Puro negosyo 'yung nasa isip ko, so ang nangyayari, napapabayaan ko pati mga anak ko, lagi ko sinusungitan. Tapos 'yung bayaw ko si Miguel Tanfelix, kasi lagi siyang kulang kung magbigay, kasi tumutulong siya sa mga batang mahihirap. So, binibigay niya 'yung ibang kinikita nung negosyo namin sa mga bata. So, nagagalit ako.”
MORE DASHING PHOTOS OF MIGUEL TANFELIX: