Showbiz News

Miguel Tanfelix, nais ituloy ang pangarap maging direktor ngayong 2023

By EJ Chua

Bukod sa pag-arte para sa kaniyang big project na Voltes V: Legacy, plano rin ni Miguel Tanfelix na i-pursue ang filmmaking at directing.

Sa "Chika Minute" report ng 24 Oras kagabi, January 10, nagkuwento si Miguel tungkol sa mga gusto niyang gawin at ma-achieve ngayong 2023.

Sabi ng Sparkle artist, “This year, gusto kong i-pursue 'yung studies ko sa pagiging director. So, kung may workshop… short courses, pupuntahan ko.”

Ang isa sa mga naging inspirasyon ng Kapuso star para ituloy ang kaniyang plano ay ang world-class mega trailer ng pinakaaabangang live-action series na Voltes V: Legacy.

Ayon pa sa aktor, dahil sa pagkakabilang niya sa upcoming series, nadagdagan ang kaniyang mga kaibigan.

Matatandaang unang ibinahagi ni Miguel ang kaniyang mga plano tungkol sa filmmaking noong 2022.

Samantala, mapapanood si Miguel bilang si Steve Armstrong sa upcoming GMA series.

Sa isa sa kaniyang vlogs, mapapanood ang ilang trainings ng aktor para sa karakter na kaniyang gagampanan.

Bukod kay Miguel, kabilang din sa programa sina Ysabel Ortega, Carla Abellana, Martin del Rosario, Liezel Lopez, at marami pang iba.

Bago pa ipalabas ang naturang programa, mapapanood si Miguel sa Chinese New Year special ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Panoorin ang report na ito kung saan itinampok ang mga plano ni Miguel para sa kaniyang career ngayong taon:

KILALANIN ANG CAST NG VOLTES V: LEGACY SA GALLERY SA IBABA: