Showbiz News

Another Miss Oh: Hulog na hulog na si simple Ethel Oh kay Marlon

By Abbygael Hilario

Habang tumatagal, lalong sumasaya si simple Ethel Oh (Seo Hyun-jin) sa piling ni Marlon (Eric Mun), ngunit kasabay nito ay mas nadadagdagan ang mga taong tutol sa relasyon nilang dalawa!

Nangunguna na ang kaniyang ina na laging nakabantay sa bawat kilos niya. Natatakot ito na baka masaktan lang ulit si Ethel gaya ng ginawa ng ex-fiance nito sa kaniyang anak.

Pangalawa naman si Terence, na patuloy na sinisira ang buhay ni Marlon sa kadahilanang gusto niyang gumanti. Nagseselos din kasi ito dahil naging magkarelasyon ang babaeng mahal niya at ang lalaking sumira ng kaniyang buhay.

Tutol na rin ang kapatid ni Marlon sa kanilang pagsasama dahil iniisip nito na si Ethel ang rason kung bakit unti-unting nawawala ang pinaghirapan ni Marlon.

Pinabagsak kasi ni Terence ang recording company ni Marlon kung kaya't nawalan na rin ng trabaho ang kaniyang mga kaibigan.

Hindi na natutuwa si Ethel sa nangyayari kaya kokomprontahin niya na si Terence!

Panoorin ang kanilang mainit na eksena mamaya sa Another Miss Oh, 10:20 p.m., sa GMA Network.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ANOTHER MISS OH SA GALLERY NA ITO: