Showbiz News

What's Wrong with Secretary Kim: The art of courtship | Week 3

By Jimboy Napoles

Sa ikatlong linggo ng What's Wrong with Secretary Kim natuloy na ang pagtatapat ni Franco (Park Seo-joon) sa tunay niyang nararamdaman para sa kanyang secretary na si Macy (Park Min-young) pero hindi naging madali ang kanyang panliligaw dito.

Dahil sa selos, umamin si Franco na seryoso na talaga ang nararamdaman niya para kay Macy at 'di niya na napigilang halikan ito.

Pagkatapos nito, kahit anong gawin ni Macy ay hindi niya makalimutan ang ginawang paghalik sa kanya ng kanyang boss.

Sa kanilang first date, inaya ni Macy si Franco sa isang maliit at simpleng Korean restaurant. Sumama naman ang huli kahit na hindi siya sanay na pumunta sa ganitong klaseng kainan.

Habang naglalakad naman sina Franco at Macy, umagaw ng kanilang pansin ang isang claw machine kaya naman sinubukan ng dalawa na makakuha ng isang stuffed toy dito pero bigo silang makakuha.

Kinabukasan, binalikan ni Franco ang claw machine at pinilit na makuha ang stuffed toy para ibigay kay Macy.

Pero kasabay ng pagiging malapit ni Franco at Macy ay nagiging close na rin ang huli sa kapatid ng una na si Stephen (Lee Tae-hwan).

Sa sobrang inis ni Franco, ay inutusan niya si Macy na gawan siya nito ng paborito niyang ramyeon.

Sa kabila nito, pilit pa ring ginagawa ni Franco ang kanyang makakaya upang mapaibig din si Macy.

Panoorin ang What's Wrong with Secretary Kim, weekdays, 5:00 p.m. bago ang Family Feud sa GMA.

BALIKAN ANG NAKAKAKILIG NA MGA EKSENA SA WEEK 3 NG WHAT'S WRONG WITH SECRETARY KIM DITO:


What's Wrong With Secretary Kim: The boss admits his feelings for Macy (Episode 11)


What's Wrong With Secretary Kim: Turning red because of the boss's kiss (Episode 11)


What's Wrong With Secretary Kim: A memorable samgyup resto (Episode 12)


What's Wrong With Secretary Kim: The claw machine addicts (Episode 12)


What's Wrong With Secretary Kim: The boss is hiding something from Macy (Episode 13)


What's Wrong With Secretary Kim: A battle for the secretary's heart (Episode 13)


What's Wrong With Secretary Kim: Jealousy of Mr. Lee (Episode 14)

What's Wrong With Secretary Kim: The boss and secretary's real status (Episode 14)


What's Wrong With Secretary Kim: The perfect boss' imperfection (Episode 15)


What's Wrong With Secretary Kim: An awkward situation! (Episode 15)