GMA Logo Voltes V Legacy, Float
Source: kapusoprgirl (Instagram)
What's Hot

'Voltes V: Legacy' float ng GMA Regional TV, umarangkada sa Sinulog Grand Parade 2023!

By Jimboy Napoles
Published January 15, 2023 4:05 PM PHT
Updated January 15, 2023 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Voltes V Legacy, Float


Isang 'Voltes V:Legacy'-inspired float ang ibinida ng GMA Regional TV sa Sinulog Grand Parade 2023.

Agaw-pansin ang dambuhalang float ng GMA Regional TV sa ginanap na Sinulog Grand Parade 2023 sa Cebu City ngayong Linggo, January 15.

Ang nasabing float ay inspired sa upcoming live action series ng GMA na Voltes V: Legacy na pumarada sa kalsada ng South Road Properties sa nasabing lungsod bilang pakikiisa ng GMA sa enggrandeng pagbabalik ng float parade sa Sinulog Festival ngayong 2023.

Isang post na ibinahagi ni Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)

Ang mga bida ng naturang series na ssina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho ay nauna nang mag-'let's volt in' sa Cebu sa kanilang pagdalo sa nasabing float parade.

Isang post na ibinahagi ni Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)

Bago ito, nagpasaya na rin ng mga Kapusong Cebuano ang limang Kapuso stars sa kanilang mall shows sa Cebu kahapon, Sabado, January 14.

Dito ay nagbigay ng song numbers sina Miguel, Ysabel, at Matt habang isang dance number naman ang inihatid ng bunso nila na si Raphael sa kanilang fans.

Samantala, panoorin ang mega trailer ng Voltes V: Legacy sa video sa ibaba:


SILIPIN ANG NAGING PAGBISITA NG 'VOLTES V: LEGACY' LEAD CAST SA SINULOG FESTIVAL 2023 DITO: