Showbiz News

Follow That Star: G Toengi, nagbabalik-Kapuso


“Kulang Sa Pansin!”

Ito ang inamin ni G Toengi habang inilalarawan ang kanyang paglaki sa piling ng kanyang single mom.

Hindi masama dahil ang pagpapansing ito ang naging daan para bumida ang petite beauty with a bubbly personality sa teen-oriented programs noong mid-90s. Naging model at host siya at nagbigay karangalan sa Pilipinas nang mapabilang na video jock o VJ sa MTV Asia.

Ang dating Regal baby,  ngayo`y may babies na --  sina Sakura at Kenobi.

Alamin ang pinagmulan ng kanilang kakatwang mga pangalan kasama na ng kanilang pagpapakitang gilas at mistulang pagsunod sa yapak ng kanilang mommy G bilang theater artist at model.

Panoorin din natin ang masayang bonding ng mag-iina at makibalita sa kanyang lovelife kasama ang itinuturing nyang No. 1 fan at American husband na si Tim Walters.

Kapag hindi busy bilang wife at mother o pagiging writer, importante kay G ang pagkakaroon ng oras para sa mga kaibigan, kabilang na si Mike Carandang ng The Tyra Banks Show.  Sisilipin din natin ang paglabas ni G Toengi sa America`s Next Top Model noong siya ay nag-aaral sa US.

Dala ang kanyang film at theater degree mula sa Lee Strasberg Theatre Institute sa New York City nagbalik-bansa si G at kasalukuyang kasama sa GMA soap na Paraiso Ko`y Ikaw.

Isasama niya tayo sa taping at chikahan with her co-stars pati na sa  director na si Bb. Joyce Bernal.

Muling bigyang-pansin ang nagbabalik Kapusong si G Toengi ngayong Sabado, January 25, dito sa Follow that Star!