Showbiz News

Bea Alonzo's camp reacts to land-grabbing accusation

By Nherz Almo

Nabahiran ng kontrobersiya ang pagmamagandang-loob ni Bea Alonzo sa mga katutubong Aeta, na naninirahan malapit sa kanyang Bea Firma farm sa Zambales.

Sa kanyang pinakahuling vlog sa YouTube, kung saan tampok ang recipe ng kanyang kapatid na si James, inimbitahan ng Start-Up PH actress ang kanilang kapitbahay na mga Aeta para sa isang salo-salo.

"Nag-invite kami ng aming kapitbahay na aetas at nagpi-prepare kami ng meal para sa kanila,” sabi ni Bea sa simula ng kanyang vlog.

Sa 18-minute video, mapapanood ang paraan ng pagluluto ni Bea, kasama ang kanyang kapatid at asawa nito, ng chicken hamonado. Sa bandang dulo ng vlog, mapapanood naman ang pagsorpresa ng pamilya ng aktres sa kanilang mga kapitbahay.

Sa kabila ng magandang hangarin ng aktres, nakatanggap pa rin ito ng negatibong komento mula sa Twitter user na si @ALOveyoutoo, na tila inakusahan pa si Bea na nagnakaw ng lupain ng mga katutubong Aeta.

Sa kanyang Twitter, ni-reshare niya ang isang post na may screenshots mula sa vlog ni Bea at sinabing, “That's nice, now how about giving their land back.”

Ang eksaktong post na ito ay hindi na makikita sa Twitter dahil nag-private na ng account ang naturang user. Ngunit ito ay agad na na-screenshot ng mga netizen.

Dahil mainit itong pinag-uusapan ngayon online, naglabas ng statement ang legal counsel ni Bea na si Atty. Joey Garcia ng GERA law firm para pabulaanan ang tila paratang ng naturang Twitter user.

Nakasaad sa pahayag na ipinadala sa PEP.ph: “It is unfortunate that a certain 'aloveyoutoo' made a very irresponsible & highly outrageous statement on Twitter asserting that Ms. Bea Alonzo should give 'their - (referring to Aetas) land back.'

“For the record, our client vehemently opposes that baseless and very unfair accusation. She and her family are the absolute and registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal and valid means.

“Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation and to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.

“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”

Handa rin umano ang kampo ni Bea na magsampa ng kaukulang reklamo kung hindi babawiin ng nagpasimula ng isyu ang kanyang pahayag.

Samantala, bago mag-private sa Twitter, ipinaliwanag ni @ALOveyoutoo ang kanyang naging pahayag.

Base sa mga screenshot, sinabi niya na, “To clarify, my point is it is strange that celebrities can have a farm when IP groups like the aeta struggle so much to own a land that they are often forced off of, and not that Bea Alonzo is a land grabber. Apologies.”

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEA FIRMA FARM SA GALLERY NA ITO: