GMA Logo glaiza de castro bridal entourage
What's Hot

Bridal entourage ni Glaiza De Castro, star-studded

By Jansen Ramos
Published January 23, 2023 2:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

MMDA eyes uniform truck ban hours, opening of private roads to ease traffic
DOLE 7 commends driver who rescued 6 in Liloan, Cebu
Marian Rivera's new bag charm is from an Italian fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro bridal entourage


Ang matalik na kaibigan ni Glaiza De Castro na si Angelica Panganiban ang magsisilbing maid of honor niya, samantalang bridesmaids naman ni Glaiza sina Rochelle Pangilinan, Chynna Ortaleza, Sheena Halili, Isabel Oli, at Alessandra De Rossi.

Inaasahan ang pagdalo ng mga kaibigan ni Glaiza De Castro sa showbiz sa kasal nila ng asawang Irish na si David Rainey sa Pilipinas.

Gaganapin ito ngayong Lunes, January 23, sa isang beach resort sa Zambales.

Matatandaang mag-isang lumipad patungong UK si Glaiza para sa kanilang first wedding ni David noong October 2021 at pamilya lamang ni David ang nakadalo dahil na rin sa travel restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic.

Matapos ang mahigit isang taon, minabuti nina Glaiza at David na magdaos ng kasal sa Pilipinas para ipagdiwang ang kanilang pagsasama, kasama ang pamilya at mga kaibigan ng aktres sa bansa at maging ng mga kamag-anak ni David na pupunta ng Pilipinas.

Sa bridal entourage pa lang ni Glaiza, star-studded na ang line up.

Ang matalik na kaibigan ni Glaiza na si Angelica Panganiban ang magsisilbing maid of honor niya.

Bridesmaids naman ni Glaiza ang kapwa niya Kapuso stars na sina Rochelle Pangilinan, Chynna Ortaleza, at Sheena Halili.

Parte rin ng entourage ni Glaiza ang mga kaibigan niyang sina Isabel Oli at Alessandra De Rossi.

Samantala, padrino nina Glaiza at David si Willie Revillame na tumulong sa aktres para makapunta ang aktres sa Ireland noong December 2020 para makasama sa Pasko ang pamilya ni David. Noong panahon ding iyon, naganap ang engagement nina Glaiza at David.

Ninang naman sa kasal nina Glaiza at David ang GMA executives na sina Annette Gozon-Valdes at Joy Marcelo, at ang GMA senior talent manager na si Tracy Garcia.

Ilang araw bago ang beach wedding ng couple, nag-organisa ang bridesmaids at ilang kaibigan ni Glaiza ng bridal shower party.

NARITO ANG ILANG LARAWAN: