Showbiz News

Ashley Ortega, excited sa mga eksena sa ice rink kasama si Olympic figure skater Michael Martinez

By Aimee Anoc

Kaabang-abang ang mga gagawing eksena sa ice rink ni Ashley Ortega kasama ang two-time Olympian na si Michael Martinez sa upcoming figure skating series na Hearts On Ice.

Tulad ni Michael, isa ring professional figure skater si Ashley. Noong 2018, nakapag-uwi ang aktres ng tatlong gold medals mula sa Summer Skate competition na ginanap sa SM Mall of Asia.

Kilala naman si Michael bilang kauna-unahang figure skater mula sa Southeast Asia na nag-qualify sa Sochi Winter Olympics sa Russia noong 2014. Iba't ibang karangalan na rin ang naiuwi niya para sa bansa tulad ng pagiging kampeon sa 2015 Asian Figure Skating Trophy at Triglav Trophy noong 2014 at 2015.

Sa Instagram, ipinakita ni Michael ang naging training kasama si Ashley kung saan buhat niya ang aktres habang sabay silang umiikot sa ice.

"First day doing pairs with Ashley Ortega," sulat niya.

A post shared by Michael Martinez | Athlete (@mz_viral)

Komento ni Ashley sa post na ito ni Michael, "Excited for our scenes!"

Samantala, isang nakaaaliw na video naman ang ibinahagi ni Ashley sa TikTok kung saan nag-ice skate siya sa kantang "Flowers" ni Miley Cyrus.

@ortegaash

😏

♬ suono originale - Sweet Melodies

Ang Hearts On Ice ay pagbibidahan nina Ashley at Xian Lim. Makakasama rin nila sa seryeng ito sina Amy Austria, Rita Avila, Tonton Gutierrez, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Inigo, Antonette Garcia, Kim Perez, Ruiz Gomez, Roxie Smith, at Skye Chua.

Mapapanood na ang Hearts On Ice, simula Marso sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG ACCOMPLISHMENT NI ASHLEY ORTEGA SA FIGURE SKATING SA GALLERY NA ITO: