Showbiz News

Boy Abunda, ginawan ng iba't ibang avatars sa trending app na Bondee

By Jimboy Napoles

Hindi nakaligtas ang TV host na si Boy Abunda sa ilang netizens na nahuhumaling ngayon sa bagong social networking app na Bondee.

Kasabay ng pagiging trending ng nasabing bagong app, viral din ngayon sa social media ang mga larawan ng ilang 3D-animated avatars na inspired sa style at physical appearance ng batikang TV host na si Boy.

Ang isa sa mga avatar na viral ngayon, ipinangalan pa kay Boy ang kanyang character.

“Boy Abondee,” nakatutuwang username ng isang netizen sa kanyang avatar.

Source: Nos Malone

Bukod dito, patok din online ang avatar ni Boy kung saan tinawag itong “Fast Talk with Boy A-Bondee” na inspired sa kanyang bagong showbiz talk show sa GMA na Fast Talk with Boy Abunda.


Source: Jeffrey Baguisa

Ang isa naman, ginawan pa ng avatar si Boy habang nasa isang couch na may caption na, “KAIBIGAAAAN USAP TAYOO AH-HEE-HEE-HEE”

Source: Jasper Shawn Navarro


Ayon sa NME.com, January 2023 lamang inilunsad ang social media app na Bonde ng Singapore-based company na Metadream Tech Pte. Ltd. Dahil sa kanyang mabilis na pagiging patok sa mga Gen Z at Millennials, binansagan ito bilang "next-gen social media app."

Sa nasabing app, maaari kang gumawa ng sarili mong 3D characters o avatar na maaari mo ring gawan ng sariling kuwarto kung saan ikaw rin mismo ang magdidisenyo. Dito ay puwede ka ring makipag-chat sa iyong mga kaibigan at maghanap ng bagong makikilala.

Samantala, panoorin ang nakatutuwang reaksyon ni Boy sa kanyang viral memes sa social media sa online exclusive video na ito:


Mapapanood naman si Boy sa bagong showbiz-oriented talks show na Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

MAS KILALANIN SI BOY ABUNDA SA GALLERY NA ITO: