GMA Logo Andrea Torres
PHOTO COURTESY: andreaetorres (IG)
What's Hot

Andrea Torres, ikinuwento ang pagsisimula sa showbiz bilang 'extra' noon

By Dianne Mariano
Published January 29, 2023 2:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

State of the Nation Express: December 19, 2025 [HD]
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Andrea Torres


Alam n'yo bang nagsimula bilang isang extra talent si Kapuso actress Andrea Torres sa showbiz noon?

Iba't ibang rebelasyon ang inilahad ni Sparkle sexy actress Andrea Torres sa kanyang panayam sa lifestyle magazine na Cosmopolitan Philippines, kung saan siya ang nagsilbing cover girl ng January 2023 issue nito.

Ayon sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng 32-year-old star na nagsimula siya noon sa showbiz industry bilang isang extra talent.

Ikinuwento rin ni Andrea sa interview na P500 lamang ang kanyang kinikita noon bilang extra kaya minsan siya ay napapagalitan siya ng kanyang mga magulang.

Bukod dito, madalas din daw na hindi nakukuha ang aktres sa mga audition, ngunit ito rin ang nagsilbing motivation niya upang pagbutihin pa lalo at mapansin ng mga direktor.

“It took me a long time to get to a comfortable place. Kaya I'm always on my toes, I treat each project as an audition for the next one,” pagbabahagi niya sa panayam sa Cosmopolitan PH.

Isang post na ibinahagi ni Cosmopolitan Philippines (@cosmopolitan_philippines)

Nang dahil sa kanyang pagpupursigi sa kanyang trabaho bilang aktres, nagkaroon siya ng big break sa showbiz, na lubos na ipinagpapasalamat ni Andrea. Kabilang na rito ay ang hinahangaan niyang pagganap bilang Sisa sa historical fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Bumida na rin ang Sparkle artist sa iba't ibang Kapuso drama series gaya ng The Millionaire's Wife, Alyas Robin Hood, The Better Woman, Ang Lihim Ni Annasandra, Legal Wives, at marami pang iba.

Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video na ito.

ALAMIN ANG IBA'T IBANG KARAKTER NA GINAMPANAN NI ANDREA TORRES SA GALLERY NA ITO.