
Nasaksihan sa Wish Ko Lang: Usog! noong Sabado, ang paniniwala ng mag-asawang Lailyn (Max Collins) at Dave (Arvic Tan) sa konsepto ng usog kung saan ito ang pinaghihinalaan nilang dahilan bakit bigla na lang silang nagkasakit.
Para makatulong sa pamilya ni Lailyn at sa kanyang anak na may asthma, naghanda ng sorpresa ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales.
Kasama sa negosyo packages ang sari-sari store business, leche flan negosyo package, at home cleaning essentials.
Mayroon ding home furniture and appliances at Wish Ko Lang savings, tulong-pinansyal ng programa para sa mag-anak.
Hindi rin mawawala ang medical assistance at baby crib and toiletry essentials para sa anak naman ni Lailyn.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
KILALANIN ANG SOCIAL MEDIA STARS NA NAPANOOD NA SA WISH KO LANG DITO: