Napapanood si Suzy Bae bilang si Alexa sa 'While You Were Sleeping.'
Kilala si Suzy Bae sa Korea bilang isang singer-actress.
Pinanganak si Suzy noong October 10, 1994. Magtu-24 years old na ngayong taon ang aktres.
"Nation's First Love" ang tag sa singer-actress sa Korea.
Si Suzy ay nagsimula sa JYP Entertainment girl group na Miss A, kung saan nakasama niya sina Min, Fei, at Jia.
Naka-duet niya ang 'Scarlet Heart' actor at EXO member na si Baekhyun. Ang digital single nilang “Dream” noong 2016 ay hinirang na “Best Collaboration” sa Mnet Asian Music Awards.
Nagkaroon ng solo album si Suzy, ang 'Yes? No?,' na ini-release noong January 2017.
Minsan din siyang tinawag na CF Queen dahil sa dami ng kanyang endorsements.
Hanggang ngayon, very close pa rin si Suzy Bae sa co-actors niya sa 2017 Korean series na 'While You Were Sleeping.'
Si Suzy Bae ay gumaganap Alexa sa 'While You Were Sleeping,' pagkatapos ng 'Inday Will Always Love You.'