Showbiz News

GMA Afternoon Prime, mas kapanapanabik ang lineup

By Jansen Ramos

Mas kapanapanabik ang mga tagpo sa mga sinusubaybayang top-rating programs sa GMA Afternoon Prime simula Lunes, February 6.

Mas kaabang-abang ang mga eksena sa Abot Kamay Na Pangarap dahil titindi ang hidwaan sa pagitan nina Analyn (Jillian Ward) at Zoey (Kazel Kinouchi) dahil sa isang aksidente.

Mapapapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap sa ganap na 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.

Lalong nakalilito naman ang mga rebelasyon sa nalalapit na pagtatapos ng seryeng may mapangahas na tema, ang Unica Hija.

Sa paglitaw ng isa pang clone, mabubunyag ang iba pang tauhang lalong pupukaw sa atensyon ng mga manonood. Subaybayan ang Unica Hija tuwing 3:20 ng hapon.

Sulit ang pagtutok sa hapon dahil mapapanood na sa bagong nitong oras ang controversial coming-of-age series na Underage, na ipapalabas sa ganap na 4:05 p.m. simula Lunes.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, sunod-sunod na mga problema ang kailangang harapin nina Celine (Lexi Gonzales). Carrie (Hailey Mendes), at Chynna (Elijah Alejo).

Matapos ang drama, explosive chika naman ng handog ng King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda na mapapanood at 4:50 p.m.

Sagot na ang good vibes at kilig ng pinakabagong Lakorn series na ipinapalabas sa GMA. Panoorin ang kakaibang kuwento ng pag-ibig sa 46 Days sa ganap na 5:10 ng hapon.

Kukumpletuhin ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang all-out entertainment experience n'yo tuwing hapon sa trending game show na Family Feud. Tutukan 'yan every 5:40 p.m.

Para sa iba pang updates tungkol sa inyong paboritong Kapuso shows and artists, bumisita sa GMANetwork.com.