
Naging emosyonal si Pokwang nang mapag-usapan ang relasyon nila ng dating partner na si Lee O'Brian sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, February 3.
Kasunod ng kaniyang mga naunang pahayag tungkol sa hiwalayan nila ni Lee, ibinahagi ni Pokwang na isa rin sa mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ay ang pagkawala ng respeto sa kanilang pagsasama.
“Para kasing naramdaman ko na ano na ako, Tito Boy, e… na parang nawala na 'yung respeto. Bago pa mangyari 'yung confrontation namin doon sa negosyo, hindi na kami nag-uusap. We don't exist to each other. Nagsasalubong kami sa hagdan, 'tapos parang wala,” maluha-luhang ikinuwento ni Pokwang.
Ayon pa sa Kapuso actress, ilang beses nilang sinubukan ni Lee na ayusin ang kanilang relasyon, pero aniya, “Wala, e, ang taas ng pride [niya].”
Dagdag pa niya, “Oo, naghiwalay kami pero marami akong binigay na chance, marami akong binigay na signal na please, ayusin mo naman 'to para kay Malia. Mahal ko siya, sa totoo lang mahal ko siya, kaya ko… pagtakpan ko siya, umasa ako na magkakabalikan pa kami.”
Sa kalagitnaan ng live program inamin din ni Pokwang na pakiramdam niya raw ay hindi siya minahal ng kaniyang ex-partner.
Saad niya, “Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga.”
Kabilang din sa inamin ni Pokwang ay kung bakit nagsinungaling siya noon tungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Noong July 2022, sa interview ni Nelson Canlas kay Pokwang, sinabi ng TikToClock. na mabuting tao at isang mabuting ama si Lee. Sinabi pa noon ng aktres na wala rin daw kinalaman ang third party at pera sa kanilang paghihiwalay.
Naghiwalay sina Pokwang at ang ex-partner niyang si Lee noong December 2021.
Para sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m., sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.
TUNGHAYAN ANG RELATIONSHIP TIMELINE NINA POKWANG AT LEE O'BRIAN SA GALLERY SA IBABA: